Chapter 18.2:
Reah's POV:
"Bakit andito ka?" napalingon ako sa nagsalita.
Si Tyron lang pala.
"Nag-iipon lang ng hangin para huminga. Masyadong nakakastress sa loob eh."
Kung nagstay pa ko sa loob baka nabaliw na ko. Parang nasira na kasi yung mood after nung game spiel namin sa loob. Hindi na nga rin lumabas si Andrea ng room.
"Hindi pa rin siya lumalabas?" umiling ako bilang sagot.
"Eh si Brylle? Andiyan na ba?" tanong ko, baka kasi hindi pa bumabalik. Kahit naman sinabihan niya ng ganun si Andrea, nag-aalala pa rin kami sakanya.
Tumango siya at umupo sa tabi ko, andito kami ngayon sa terrace ng rest house nila KIT.
"Pagpasensyahan niyo na si Brylle, ganun talaga yun eh. Kung anong gusto niyang sabihin, sasabihin niya. Insensitive yung isang yun eh." sabi niya.
Minsan nakakabilib din kung gaano nila kakilala yung isa't isa. Pero sa tingin ko, hindi naman sinasadya ni Brylle yung mga nasabi niya. If anything, parang yun yung last straw. Napansin ko kasi na hindi na sila okay ni Andrea papunta palang kami dito.
"Ewan ko lang ha, kung napansin niyo rin pero bago pa tayo pumunta dito? I mean, iba na yung mood ni Brylle kay Andrea eh. Parang may ginawa si Andrea na ikinagalit ni Brylle, siguro nung game lang nagkaron ng chance si Brylle mailabas. Ni hindi nga namin alam na, may halikan nang naganap sa pagitan nila eh."
Really, ikinagulat talaga namin ni Marvie yun. Hindi naman kasi nagkukwento si Andrea ng tungkol sakanila ni Brylle. Siguro dahil wala din namang 'sila', eh pero bakit may kissing nang naganap? Ay ewan!
"Kahit kami rin nagulat, si Brylle kasi yung tipo ng tao na hindi nagpapadala sa emosyon. Kasalanan talaga to ni KIT eh, malilintikan na talaga sakin yung isang yun eh."
"Hindi naman kasalanan ni KIT, ang intensyon naman niya kaya niya ipinilit tong outing na to, e para rin satin. Samin kasi nila Marvie, medyo nawawalan na kami ng time sa isa't isa dahil nga nung naging busy tayo sa pagrereview. Ewan ko lang sainyo kung nakakapagbonding pa kayo? Eh ano ba ginagawa ng boys pag nagbobonding? Wala naman di ba? Puro laro lang kayo e."
Natawa naman siya sa sinabi ko, may nakakatawa ba dun?
"Siyempre meron, hindi nga lang kagaya ng sainyo. We often talk, most of the time laro ng basketball, dota, video game, arcade. Yun, bonding na kung matatawag yun para samin. Lalo na kung magkakaron ka ng kaibigan na kagaya ni Brylle, daig pa ang pipi --" bahagya siyang tumawa sa sinabi niya, ganun din ako. Medyo totoo kasi, sobrang tahimik talaga ni Brylle."Minsan nga pakiramdam namin ni KIT, kami lang dalawa eh."
Napatingin ako kay Tyron, nakatingin siya sa langit. Maganda ang simoy ng hangin ngayon, nkakarelax. Kung titingnan mo si Tyron ngayon, malayo na siya dun sa lalaking nakilala ko na walang ginawa kundi ang bwisitin ako at magdala ng kamalasan sa buhay ko.
Sa ilang linggo o buwan? Hindi ko na alam kung gaano na rin katagal naming kasama silang tatlo. Nakikita ko na yung mga good side niya, na akala ko wala siya. He's not that bad, at ngayon ko lang napatunayan na kahit saang angle gwapo pala siya.
"Bakit?" Para naman akong natauhan, nakatingin na rin siya sakin ngayon kaya naman iniiwas ko ang tingin ko sakanya. Nakakahiya! >.<
"W-wala naman .." tumingin na lang din ako sa langit, wala masyadong bituin, natatakpan ng makakapal na ulap. Pero kahit ganun, maganda pa rin.