A/N:
Next time na edit, nagloloko net namin. Huhu :( Siningit ko lang 'to kasi baka mabulok na sakin. Busy kasi ako ngayon. Ito na po :) Comment naman po? Salamat sa mga naglagay sa reading list nila, tsaka sa mga nagbabasa. Sana may vote and comment na rin po di ba? Pang motivate :)
Chapter 31:
4th quarter na ng game at lahat nagkakainitan na. Dikit na dikit ang laban ng dalawang school, sobrang wild na rin ng audience. At siyempre si Andrea, papahuli ba? Nagtataka nga si Marvie kung bakit hindi pa sumali sa cheering squad ng school nila si Andrea.
"Go Brylle! Galingan mo pa! Hooo!" With matching talon-talon at palakpak habang nakahawak sa banner na pinagawa niya.
Nakapangalumbabang nakaupo naman si Marvie, at hawak ang kabilang dulo ng banner. Kundi lang talaga niya kaibigan si Andrea ... Hindi tuloy siya makapagcheer sa labs niya.
Tahimik naman na nakaupo si Reah sa bleachers. Tahimik? Sinong niloko niya? Daig pa ng mga nagrarally ang ingay ng thoughts niya. Kanina pa kasi siya nagdadasal na wala sanang mangyari sakanila, lalo na dun sa *insert sarcasm here* bestfriend niya na si Tyron. Magkagalit nga sila, pero hindi naman siya ganun kasama to hope something that's bad for him. Kung alam nga lang niya na ganito kaintense manuod ng basketball, hindi na sana siya sumama. Malay ba niya .. Akala niya OA lang talaga Ang kuya Rain at Kuya Rob niya pag nanunuod sa TV with matching mura pa.
"Mahiya ka nga Andrea, napaka ingay mo!" Iritang sabi ni Marvie sa katabi kanina pa kasi nagtatalon si Andrea, nakikisabay sa overflowing cheering spirit ng tao sa gymnasium.
Lalong nagwala si Andrea nang maka 3 point-shoot si Brylle.
"Wooooh! I love you Brylle! Go! Go! Go!" Todo sigaw si Andrea dun, habang iritang irita naman si Marvie sa tabi niya.
Nag-appear si KIT at si Brylle at tumingin sa gawi nila, nagulat na lang si Marvie nang mapansin ang tingin na itinapon sakanya ni KIT.
'Anong problema nun?'
Lumaki na ang lamang nila Tyron sa kalaban nila. Thanks to Brylle na ganadong magpasikat dahil sa pagchi-cheer ni Andrea sakanya.
--
Bumalik si Deither sa bahay para tingnan at kumpirmahin ang nalaman niya. This can't be ... possible. Paano nangyaring si Tyron ang secret sponsor niya? All this time ito ang tumutulong sakanya, pero paano? Bakit? Ang akala niya, ayaw sakanya ni Tyron from the start.
Kinuha niya ang box kung nasan ang mga blue na sobreng ipinapadala sakanya. Inisa-isa niyang tingnan ang mga ito para maghanap ng kahit anong makakapagpatunay sa nalaman niya, hindi pa rin kasi siya makapaniwala sa natuklasan niya.
Alam kaya ito ng mga magulang ni Tyron? Ng magulang niya? Hindi, dahil hindi naman nangengealam ang mga magulang niya sa mga gamit niya. Saan kinukuha ni Tyron ang pera niya?
Hindi niya alam kung anong mararamdaman niya sa nalaman niya. Shit lang talaga, sa lahat ng tao. Si Tyron pa? Nanliliit siya sa sarili niya, mas lalo niyang naramdaman na wala siyang kwenta. Umaasa siya sa pera ng iba, sa mga taong hindi naman niya kaanu-ano. Kung sa bagay, hindi naman niya kasalanan kung bakit siya pinamigay ng magulang niya o kung pinamigay nga ba talaga siya. Malay ba niya, at least hindi nilihim sakanya. Naging less ang drama ng buhay niya.
--
Last 10 seconds ng game, natahimik ang buong gymnasium ng maipasa kay Tyron ang bola. Maganda ang pwesto para sa 3 point-shot. Nagkataong tie ang score nila ng kalaban, nakaramdam siya ng kaba. Putapete naman, kung matatalo sila ngayon magiging kasalanan pa niya. Pakiramdam tuloy niya bumagal lahat, wala siyang ibang nakikita kundi ang ring at ang bola sa kamay niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/2304494-288-k344237.jpg)