Chapter 40

307 8 5
                                    

Chapter 40:

"Bakit nandiyan ka? Kumain ka na ba?"

"Tapos na,"

Naupo siya sa tabi ng kapatid niya.

"Kayla," tawag niya dito, tumingin sakanya ito. Kitang kita niya ang lungkot sa mata ng sariling kapatid niya. "hanggang kelan ka magiging ganyan? Sinasayang mo ang buhay mo."

"Naranasan mo na bang ... magmahal kuya?" tanong nito sakanya.

Hindi siya sumagot, nag-igting ang mga bagang niya. Paanong mangyayari na mapapatawad niya ang lalaking gumawa nito sa kapatid niya? Kung sa tuwing nakikita niya ang kapatid niya, walang siyang ibang nakikita kundi ang babaeng nasaktan at umiyak at hindi na muling nagkaroon ng buyay pa.

"Kayla, kung talagang nasasaktan ka ... Maraming paraan, para mawala yang sakit na nararamdaman mo. Tutulungan kita. Sabihin mo lang ..."

"Sinabi ko na sayo kuya, hindi solusyon yang gusto mong mangyari. Lalo mo lang madadagdagan ang sakit nito" sabay turo niya sa dibdib niya.

Umiiyak na naman siya. Lalo nadadagdagan ang galit sa dibdib niya pag nakikita niyang ganito ang epekto ng lalaking yun sa kapatid niya.

"Ilang beses ko pa bang palalagpasin Kayla? Pangalawa na 'to. At mas grabe .."

Ang unang beses ay nang hadlangan nito ang pagpasok niya sa varsity ng school nila. Kundi dahil dun, isa na siguro siya sa naglalaro para sa eskwelahan nila.

"Kuya Ken," niyakap siya nito. "Tama na, napag-usapan na natin 'to di ba?"

"Ganun mo ba talaga siya kamahal?" nanghihinang tanong niya sa kapatid.

Tumango ang kapatid niya, hindi na niya kinaya at niyakap niya ito. Ayaw niyang nakikita na ganito ang kapatid niya.

"Ganun ko siya kamahal na kahit ang sakit sakit na, hindi ko pa rin magawang kalimutan siya."

Naramdaman ni Ken ang pagtulo ng luha niya na agad niyang pinigilan.

"Kayla," hindi niya alam kung ano pang sasabihin niya. Mas dobleng sakit ang nararamdaman niya para dito.

"Kuya, mangako ka." hindi siya nagsalita at tumango lang. " Pag wala na ko, ikaw ang magbabantay sakanya."

Kahit labag sa loob niya, kahit ayaw niya, wala siyang magawa kundi ang pumayag. How can he abstain himself from following his sister last wish? He only have 2 months to spend with his sister.

Yes, you read it right. She's diagnosed with leukemia.

Right after their conversation, he got his phone and dial Andrea's number.

[ Ano na naman yan Gomez? Wala ka na naman bang magawa? ]

Pinilit niyang hindi iparinig ang pag singhot niya.

"Namiss mo ko?"

[ Last time I checked, ikaw ang tumawag sakin? ]

tumawa siya "di man lang makuhang sumakay."

[ bakit sasakyan ka ba? ]

Lalo siyang natawa, "Bakit sasakyan lang ba sinasakyan?" napangisi siya sa sarili niya.

[ Eeeeiwwww! Kadiri ka talaga Ken! ]

"Oh? Kinailangan mo lang palang mandiri sakin para tawagin ako sa pangalan ko. Tsaka, bakit kadiri? Eh di ba sinasakyan din ang kabayo? Kalabaw? Ano bang iniisip mo?" lalo siyang napapangiti sa pang-iinis niya kay Andrea.

[ Ugh. Whatever! Bye! ]

Binaba nito ang tawag at napailing nalang si Ken dahil sa ginawa ni Andrea. At least gumaan ang pakiramdam niya.

My KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon