Chapter 16:
Andrea's POV:
♫ My heart's a stereo, it beats for you so listen close. Hear my thoughts in every notes oh oh -- ♫
The hell! >.<
"Hello?!" sino ba kasi 'to? Ang aga-aga naman kasi eh!
Walang nagsalita sa kabilang line, pero naririnig ko yung paghinga. Ibababa ko na sana yung tawag nung marinig kong may nagsalita.
[ Hoy tinawagan mo na ba si Andrea? ]
Si KIT ba yun?
"Hello? Sino 'to?" tanong ko ulit.
Huminga ng malalim yung nasa kabilang line, [ It's Brylle. ]
"Ah!" sh*t! "H-hello?" sagot ko ulit nung makabangon ako sa pagkakalaglag.
[ Are you okay? I heard something .. Is that you? ]
"O-okay lang ako," ang sakit! tae >.< Ikaw kaya malaglag? Okay ka lang? "Napatawag ka?" tanong ko.
[ KIT's asking if -- ] nakarinig ako ng screeching sound. Ano yun? [ Hello? Andrea? ]
-___-" Ang aga-aga pero ang ligalig ni KIT. Inagaw niya yung phone kay Brylle.
"Oh KIT? Bakit?"
[ GOODMORNIIIIIING! -- ] nailayo ko yung phone sa tenga ko, masakit eh! Ang lakas ng boses niya grabe! >.< [ Tatanong lang sana namin kung may gagawin kayo ngayong sembreak? ]
Kami? Meron ba? Ang alam ko, ako wala. Hindi ko lang alam kay Marvie at Reah. Kami kasi, dumadalaw sa patay bago mag november 1, baka nga bukas dumalaw na kami eh. Ewan ko lang kayla Reah, hindi naman nila ko tinetext eh. Busy ata sila.
"Ako wala, ewan ko lang kay Marvie at Reah. Bakit?" nawala na tuloy ang antok ko. Anong oras na kaya? Siguro mga 6 palang. Babawi pa naman sana ako ng tulog. Hay ..
[ Ah, eh yayayain sana namin kayo mag-Baguio. Ayaw kasi pumayag ni Tyron pag kami lang tatlo eh. Nagsasawa na daw siya sa mukha namin. ]
Naiimagine kong nagpa-pout pa si KIT habang sinasabi yun. Isip bata talaga!
"Sige, kakausapin ko na lang sila Reah tapos babalitaan kita." itetext ko na lang sila.
Hindi ko pa nga alam kung anong nangyari kay Reah at Tyron eh. Tae! Pag nalaman nilang kami ang may pakana nung nangyari sakanila kahapon, lagot kami! Kasi naman sila Marvie eh!
[ Sige, ibibigay ko muna kay Brylle yung phone mukha kasing -- ah! Aray ha! Bakit ka namamato ng bola?! ]
Tama bang magsigawan sila sa kabilang line? -___-" Hello, may tao po dito???
[ Andrea oh, kausapin mo nga 'tong isa. Tinotopak! Selos ata kasi inagaw ko yung phone! Ahhhhhh! Waaaah! ]
>///<
"Hello?" Lumayo na yung boses ni KIT sa phone. May kausap pa ba ko?
Wala na ata akong kausap eh.
"Ibababa ko na ba 'to?" tanong ko, baka sakaling may sumagot.
[ If you want. ]
Muntik na kong mapatalon sa gulat. Ano ba 'tong si Brylle?! Hanggang cellphone ba naman ganito siya katahimik?! Grabe naman 'tong taong 'to. Bumilis tuloy ang tibok ng puso ko. Ewan ko ba kung bakit ultimo paghinga niya ang attractive! Leche!
"Wala ka na bang sasabihin?" pinipigilan kong ipahalata na kinakabahan ako, kahit na nanginginig na talaga ako dito.
Sa tuwing malapit siya sakin, ganito ang nangyayari sakin eh.