Chapter 4:
Tyron's POV:
*flashback*
Nakatambay kami ngayon nila Brylle at KIT sa bahay. Sa kwarto ko, to be exact. Si KIT at Brylle ay mga kababata ko. Para ko na rin yang tunay na mga kapatid .. Business partner nila ang parents ko.
Naglalaro sila ng arcade at ako naman ay nakatambay sa isang shop online site sa aking laptop.
Kanina ko pa kasi tinitingnan yung bagong labas na watch ng favorite brand ko ..
At nahihirapan akong pumili ..
Nahihirapan ako kasi ..
Maganda yung latest model, pero maganda rin yung last na nilabas nila ...
Argh! Ang hirap pumili.
Eh kung tanungin ko nalang 'tong dalawang 'to?
Ano namang alam nila dito?! Eh walang alam yang dalawa na yan kundi kalokohan!
Ano ba? Ito o ito?
Kayo? Anong pipiliin niyo?
Tinitigan at pinagkumpara ko ang dalawa ng matagal ..
At matapos nun ay nakapili na ko. Pagagalitan na naman ako ni mommy nito! ( ̄^ ̄)ゞ
Anong magagawa ko? Ito lang naman ang obsession ko .. Ito lang naman ang koleksyon ko?
At dahil sa frustration ko ...
Nagpost ako ng status sa facebook:
| I'm caught up in this situation. I can no longer hide the feelings, It just happen to be this way. I can't choose, that's why I decided to have the both of you. |
At matapos nun ay iniwan ko muna ang laptop ko na nakabukas at nakisali na rin sa paglalaro nung dalawa.
--
Nakauwi na si Brylle at KIT. Matapos kong magdinner, umakyat agad ako at chineck ang facebook ko ..
Nakita ko naman na may nagmessage sakin. Binuksan ko at nakita ang isang pangalan na hindi naman pamilyar sakin ..
Reah Mañago?
Hindi ko na dapat babasahin ang message dahil ang akala ko ay isa lang yun sa mga babaeng araw araw na nagmemessage sakin at ... Nago-offer na maging girlfriend ko ..
Nakakatawa nga eh ... Sanay naman na ko dun .. Anong magagawa ko?
Gwapo eh ... *wink*
Binasa ko ang message ..
| Hi, no more polite greetings and all. I will get straight to the point .. I've seen your post. And ... What the hell was that?! Are you really guilty with what you did or proud? First of all, if you are sincere about asking their forgiveness, you should talk to them personally. Using this kind of social website to admit your wrong makes you look like a conceited coward jerk. Girls are not toys and if you are really guilty you should fix your mess and not waste time to post this just for everyone to see that you still have a heart. Meany flirty jerk! |
Pinagisipan kong maige ang sinabi niya ..
Pero hindi pa rin naging malinaw ..
Kaya naman binalikan ko kanina ang post ko at ..
What the --?!
Akala ba niya ay two-timer ako?!
Mukha bang tungkol sa babae ang post ko kanina?
At anong sinabi niya?
Conceited?
Coward?
Jerk?
![](https://img.wattpad.com/cover/2304494-288-k344237.jpg)