Chapter 37:
2nd day para sa mga exchange student ng elite at main campuses. Regular day sa mga estudyanteng tamad at walang pakealam sa pinagkakaabalahan ng Cayden University. Dooms Day para sa mga Student Council at Faculty members. Bakit? Nagahol kasi sila sa sa oras para iplano ang biggest event nila for December. Ang Christmas Ball na gaganapin sa sabado. Kaya imbes na Student Council ang maghahandle ng event, pati tuloy faculty members ay nadamay na sa pag-aayos. Medyo high blood na kasi ang owner ng school.
Nagtatawanan ang mag-labs na Marvie at KIT nang pumasok si Marienela at Brylle, with matching pulupot ng braso ni Marienela na hindi naman nakalagpas sa mata ni Marvie.
"Ay parang ang kati labs, akala ko taglamig? Taglandi pala ..." Parinig ni Marvie sa dalawa, pero hindi naman siya pinansin.
"Labs, ano ka ba. Hayaan mo nga sila, mamaya mapaaway ka pa eh ..."
"Eh kasi yang kaibigan mo! Nuknukan ng kasinungalingan! Akala ko ba hindi totoo yung sakanila niyang higad na yan? Eh tingnan mo kung makalingkis daig pa ang sawa!" Kung pwede lang makapatay ang tingin, siguradong patay na si Marienela ngayon.
"Kalma labs, wag na lang kasi tayong makisali sakanila. Ha? Pwede ba yun?" paglalambing ni KIT habang inaakbayan si Marvie.
"Ganyan ba talaga kayong mga lalaki? Walang pakealam? Para naman kayong di magkaibigan." Naiinis na sabi nito.
"Hindi, may tiwala lang talaga ako diyan kay Brylle. Pag sinabing wala, wala talaga. Okay? May rason yan kung bakit hinahayaan niya yang si Marienela. Pero labs, grabe din yan ... Nung una si Tyron ang dinidikitan niyan nung nasa Batangas kami eh. Ewan ko lang kung bakit hindi niya ko nilapitan, di hamak naman na mas gwapo ako dun sa dalawa .."
Taas kilay naman na hinarap ni Marvie ang boyfriend niya.
"Ganoooon?! Tingin nga .." Hinawakan niya ito sa baba at ibinaling-baling ang tingin atsaka umiling. "Labs, hindi .. Gutom lang yan ... Atsaka, magpasalamat kang di ka nilandi niyan, dahil kung nagkataon, kalbo na yan." Sabi nito sabay nguso kay Marienela.
Natatawa naman si KIT na nailing, "Kahit kailan talaga. Halika na, dahil free cut ngayon, bubusugin na lang kita."
"Ayyy, gusto ko yan!" Sabi nito at magkaholding hands silang lumabas ng classroom.
--
"Get off." Sabi ni Brylle kay Marienela. Kanina pa ito sunod ng sunod sakanya.
Nagpunta siya ng clinic para humingi ng gamot para sa sakit ng ulo. Paano nga naman maaalis ang sakit ng ulo niya kung ang isa sa mga dahilan ay nakasunod sakanya.
Nang bumitaw ito sakanya ay nagpatuloy siya sa paglakad. Free cut at nakuha siya ng tiyempo para pumunta sa Elite's building para makita si Andrea.
"Don't you dare walk out on me Brylle, I know about her." Napatigil siya sa paglalakad. Sino na naman ang tinutukoy niya? Napaisip siya, her? Hindi kaya si Andrea ang tinutukoy niya?
Hindi siya humarap pero alam ni Marienela na nakikinig ito sakanya.
"Andrea Gachallian? I expected more from you, I thought girls like her is out of your type."
Bigla siyang kinabahan, paanong nalaman iyon ni Marienela?
"What do you want?" Walang emosyong tanong nito nang makaharap kay Marienela.
Marienela plastered an evil grin on her lips and walk towards him.
"Simple lang, I want you to be mine."
Brylle grinned with her statement.
"Are you sure you came at the right place?" Napuno naman ng pagtataka ang itsura ni Marienela. "I think you need a psychiatrist. Your brain isn't functioning well, this place is way too far from mental hospital."