Chapter 12:
Tyron's POV:
Maaga akong gumising para puntahan si Reah. Saturday na ngayon at may practice game kami mamaya sa school, kaya nga maaga ko siyang pupuntahan.
Review purposes, hindi naman ako pupunta dun nang walang dahil siyempre. Ang kapal ko naman pag ganun, gwapo lang naman ako ..
Pwede naman na kong hindi magpunta dun, kasi kung tutuusin tapos na namin lahat ng lessons sa lahat ng subjects. Pero pupuntahan ko pa rin siya kasi ewan ko ba? Pero parang nasanay na ko na lagi kaming magkasama during break time at lunch. It just feels weird not having her around. Hindi na nga rin kami masyadong nag-aasaran. Siya lang naman kasi ang nang gagaspang eh! Ang ayos ko kaya sakanya!
Actually, kinakabahan ako. First time ko kasing pupunta sakanila eh? Napapaisip tuloy ako anong itsura ng bahay nila.
"Kiel .."
Holy sh -- "Ma?!" Nakahinga ako ng maluwag. Akala ko kung sino eh!
"Sorry, nagulat ba kita?" Sabi niya habang papalapit sakin. Palabas na sana ako ng front door kung di niya ko tinawag.
Tiningnan niya ko mula ulo hanggang paa. Ito na naman si mama at eye scanner niya.
"San ka naman pupunta ng ganitong oras, ha? Masyado atang maaga ang lakad mo?" Sabi niya na may nakakalokong ngiti sa mga labi niya.
Parang nakita ko na 'tong ngiti na 'to eh? Napakamot ako sa batok ko. "Uhh ma, kayla Reah po .." bigla na naman siyang ngumiti ng makahulugan, kasabay ng pag-iling. "Oh ma," nilapitan ko siya at inakbayan .. "it's not what you think, okay?"
Pinigil niya ang tawa niya at binigyan ako ng painosenteng tingin "Aba! hijo, wala naman akong sinabi ah? Actually, natutuwa pa nga ako. Dahil sigurado akong mabait na tao ang sinasamahan mo. Atleast, I know that you are in good hands."
Humawak ako sa dibdib ko, "Ouch ma, that hurts! Para namang sinabi mong hindi ka panatag pag sila Brylle at KIT ang kasama ko?" pinalo niya ko ng mahina sa braso "That's not what I meant ha! Aba! Mga anak na rin ang turing ko sa dalawang bata na yun noh! What I mean is, it's good that you finally gave yourself a chance to have someone else aside from Brylle and KIT .. dati naman kasi—" I cut her off, nagkunwari akong tumingin sa wristwatch ko, "ma, malelate na pala ko!" mabilis ko siyang hinalikan sa pisngi at kumaway sakanya.
Baka kung san na naman mapunta ang usapan namin. Ayoko nang makarinig ng kahit ano pang makakapagpaalala sakin sakanya. Pinipilit kong ayusin ang buhay ko, dahil ako na lang ata ang nasasaktan saming dalawa ..
Shit! Magsisimula na naman ako! Kaya ako naaasar na parang babae nila KIT eh! Pero minsan hindi lang talaga nila matanggap na ako ang pinakagwapo saming tatlo.
**
Tiningnan ko yung address na nakalagay sa message na sinend sakin ni Marvie, oo kay Marvie ko kinuha ang address nila. Hindi ko sinabi kay Reah na pupunta ako sakanila kasi malamang kokontrahin na naman niya ko. Nung isang beses na biniro ko siya na dun kami magreview sa bahay nila, parang nataranta siya na ewan? Basta, ang weird! Parang takot na takot na hindi malaman. Wala naman kaming ginagawang masama? Magri-review lang naman kami?
Ito na nga yun, "Manong balikan niyo nalang po ako after—" tumingin ako sa wristwatch ko, "3 hours po." sabi ko atsaka ako bumaba ng sasakyan.
Isang green painted two storey house ang nakalagay sa address na sinend sakin ni Marvie. Simple pero nakakatawag ng atensyon, hindi gaanong malaki at di rin maliit. Sapat lang siguro para sa isang pamilya. Bakit ko ba dinedescribe pa 'to? Wala namang may paki sa sinasabi ko?
Nagdoorbell ako. Mga after ng tatlong doorbell may bumungad sakin na batang babae, siguro nasa grade 4 or 5 ang batang 'to at siguradong kapatid siya ni Reah kasi kuhang kuha niya ang mata ni Reah.
"Hi, nandiyan ba si Reah?" sabi ko at ngumiti ako sakanya.
Reah's POV:
"Reah" nakaramdam ako ng mahinang pag-uga sakin.
"hmm .." ungol ko.
"Reah!" napabangon ako sa sigaw ni Kuya Rob, hindi naman malakas pero sapat na para bumangon ako.
Agad kong tinapunan ng tingin ang alarm clock sa bed side table ko, "Kuya naman! 7:00 am?! Wala akong part time job! Antok pa ko!" angil ko sakanya. Naman eh! Aga-aga nanggigising eh!
Nawala ang pagiinarte ko nang makita ko ang seryoso niyang tingin sakin, napalunok ako. "Kuya, bakit?"
Kumunot ang noo niya, senyales na galit nga siya .. Oh no! (>.<)
"Magsabi ka nga ng totoo sakin Reah," ako naman ang napakunot ang noo. "Nagboboyfriend ka na ba?"
Define nganga naman daw ako sa sinabi ni Kuya, "Hala! Kuya! Ang agang joke naman niyan! Ako?! May boyfriend?!" sabi ko at nagsimula na kong tumawa. Benta sakin ang joke ni Kuya!
Unti-unting nawala ang tawa ko nang lalong kumunot ang noo niya, gosh! Seryoso ba talaga siya?!
Sumeryoso na rin ako, baka masapak ako eh! "Kuya naman, alam mo naman na wala pa yan sa isip ko di ba? At kung sakali, nangako naman ako na kayo ang unang makakaalam di ba?" sabi ko sakanya atsaka pa ko yumakap sakanya.
Isang fact about kay kuya, masungit man si Kuya Rob konting lambing lang diyan, bumibigay na yan! Marupok siya pero by choice naman. Hehe.
"Siguraduhin mo lang, dahil alam mo naman na sakin kayo binilin ni papa. Kung may mangyari man sainyo, ako ang masisisi. Oh sige, naniniwala na ko sayo. Bumaba ka na diyan at may naghihintay sayo." sabi niya at hinalikan pa ko sa noo.
Nag-inat ako, akala ko kung — teka, may naghihintay sakin? Eh wala naman kaming usapan nila Marvie ngayon ah?!
Dali dali akong tumayo sa kama ko at sumilip sa hagdan, nakikita kasi ang sala namin sa baba mula dito.
"Tyron?!" Anong ginagawa ng isang 'to dito?!
--
Author's Note:
Reah's picture sa gilid, tapos sa previous chapter si Brylle :) Pangbawi lang, short UD. Gahol sa oras eh T_T Namiss ko lang talaga mag UD.
RMM. ü