Chapter 18.3:
KIT's POV:
"Nakakainis yung kaibigan mo." Napabuntong hininga ako, siya na nga ang malaki ang galit kay Brylle.
Ganyan ata talaga ang mga babae, complicated. Judgmental. They only see and hear what they want then that's what they will believe in. Hindi kagaya naming mga lalaki, aalamin muna namin ang nangyari bago umaksyon. Tsaka, kailangan bang laging may kampihan? Di ba pwedeng neutral lang? Nakakadagdag lang lalo sa problema yung pagkakampihan na yan e.
Pero ano naman ang magagawa ko? Kagaya nga ng sabi ko, wag nang gumatong kaya naman isa lang ang sagot ko.
"I know."
"Ouch! Bakit ba kasi?" Bigla-bigla ba naman kasing namamalo!
"Kanina pa ko salita ng salita dito, puro 'I know' lang sagot mo sakin! Parang wala kang pakealam sa sinasabi ko!" Sabi niya ng nakapout, naihilamos ko naman ang kamay ko sa mukha ko at humarap sakanya.
"Look, pang labinlimang beses mo nang sinabi sakin yan. Na nakakainis si Brylle, at tinanong kita kung anong gusto mong gawin ko para mawala na yang inis mo sa kaibigan KO. Sabi mo, wala! Pero hindi mo tinitigilan ang pagsasabi na nakakainis siya! What do you want me to do?!"
Sht! Sumobra ata ako? Ang tanga mo KIT! Hindi ka nagiisip!
"Did you just ... yell at me?" Hindi makapaniwalang sagot niya.
Sh*t, ito na nga ba sinasabi ko! Ngayon ako naman ang mapagbabalingan ng galit.
"Kasi naman, you wont stop complaining. Hindi ko na malaman anong gagawin ko! Kanina ko pa nga iniisip na ang gag* gag* ko dahil pinilit ko pang isama kayo dito, at ito! Nagkandaleche-leche na nga tayo!"
Hindi lang naman siya ang frustrated sa nangyayari. Ako din. Isabay mo pang reklamo siya ng reklamo. Kahit naman mahal ko siya, may limit din ako.
"I don't blame you."
"Yes you -- wait, you don't?" hindi makapaniwalang tanong ko. Hindi niya ako sinisisi? "Hindi ka galit?" tanong ko ulit.
Umiling naman siya. "Sinong may sabing galit ako sayo? Galit ako sa kaibigan mo." I sighed, uulit na naman siya. Matatapos pa kaya 'to?
"Galit ako sakanya pero hindi sayo. Ba't ko naman iisipin na kasalanan mo 'to? Nainis lang ako kanina, pero hindi ako galit sayo." paglilinaw niya.
"Akala ko ba galit ka kasi sinigawan kita?"
"Hindi rin, nagulat lang ako. Kaya mo pa rin naman pala akong ganunin." simpleng sabi niya.
"Anong ganunin? You mean, natutuwa ka kasi sinigawan kita?" Ang gulo niya. Ang labo talaga ng mga babae!
"Medyo. Para kasing simula nung sinabi mong ... liligawan mo na ko. You changed the way you treated me. Kulang na nga lang sambahin mo ko! Ang fake."
I laughed. Sambahin talaga?
"Ganun ba? Nakakapanibago ba? Ayoko lang namang isipin mo na dahil close tayo, pwede ko pa rin gawin sayo yung kagaya ng dati kung pano kita kausapin. Siyempre, iba na ngayon! Manliligaw mo na ko di ba? At siyempre, kailangan kong magpakabait kung gusto kong makuha yung matamis mong oo." Sabi ko at kinindatan siya.
Inirapan naman niya ko. Ito yung isa sa mga bagay na nagustuhan ko sakanya, hindi ko mahulaan ang gagawin o sasabihin niya. Hindi kagaya ng mga babaeng dinate ko. Oh, gulat kayo? Siyempre naman, makikipag date ako! Sayang naman yung gandang lalaki ko, kung hindi ko mapapakinabangan! Pero wala akong nagustuhan, kaya hanggang ngayon wala pa kong girlfriend. Ang complicated kasi ng mga babae. Pero ganun siguro talaga, akala ko never kong gugustuhin na magkaron ng girlfriend pero nung dumating si Marvie? Kusa mo palang ia-adjust yung sarili mo para sa tamang tao.