Chapter 39:
Reah's POV:
'Sa ayaw at sa gusto mo, liligawan kita!'
Nagpagulong gulong ako sa kama. Hindi! Hindi yun nangyari! Hindi!
"Aaaaaaah!" Nakakainis talaga!
Kinuha ko ang unan ko at pinaghahampas yun. Iniimagine ko na si Tyron 'to.
"Bwiset ka talaga Tyron Ezekiel Ramirez! Baliw! Baliw!"
"Ikaw ang baliw diyan eh!"
"Ahhh!" Aray! Aray!
Pagtingin ko sa ibabaw ng kama ko nakadungaw na sakin si Revee.
"Hoy ate? Okay ka lang?"
"Ikaw mahulog sa kama, okay ka lang?!" sigaw ko sakanya.
Kanina pa ba ang batang 'to dito?
"Bakit ba kinakausap mo yung unan mo? Sinasabi mo pa ang pangalan ni kuya Tyron! Ikaw ha? Yiiie, si ate may HD kay kuya Tyron!"
>///<
binato ko siya ng unan sa mukha.
"Anong HD?! May pa-HD HD ka pa diyan! Ba't ka ba nandito?!"
"Hidden Desire ate! Slow poke! Eh kasi kanina ka pa tinatawag ni mama! Bumangon ka na daw diyan! Bleh!" sabi niya atsaka lumabas ng kwarto ko.
Aba't talagang dumila pa!
Argh! Nakakaasar talaga ang Tyron na yun! Ansarap niyang ibaon ng buhay!
--
Matapos kong maligo at kumain, nagpaalam na kong mauuna na. Pumasok ha, hindi mamatay. Bata pa ko!
Pagkasara ko ng gate, halos mapatalon ako sa gulat sa taong nasa harapan ko.
"Deither ..."
Napansin ko yung bandage sa may gilid ng labi niya. Agad akong nag-iwas ng tingin.
Hindi ko alam kung bakit ang pakiramdam ko ngayon ay nakagawa ako ng kasalanan at nahuli ako.
Inaamin ko na nagiguilty ako dahil matapos akong iwan ni Tyron kahapon ay hindi ko na siya naisipang balikan. Hindi ko siya naalala.
Kahit sino naman siguro ang lumagay sa lugar ko di ba?
"Reah, okay ka lang ba?"
Lalo akong nakonsensya sa ginawa ko. Ako pa rin ang inaalala niya kahit na siya 'tong nasuntok kahapon.
"Deither sorry kung hindi na kita napuntahan kahapon kasi --"
"Okay lang yun." sagot niya at ngumiti sakin. "Tara, sabay na tayong pumasok."
Tumango ako at naglakad na kami.
Kung siguro dati 'to nangyari sa amin, siguradong nagliliparan na ang mga paru-paro sa tiyan ko. Pero bakit ganito? Pakiramdam ko may nakaharang na pader sa pagitan naming dalawa.
Hindi ba dapat masaya ako? Yung dating pinapangarap ko lang, ngayon ito na oh.
"Reah," di ko namalayan na nasa tapat na pala kami ng school.
Napatingin ako sakanya.
"Okay lang ba tayo?"
Tumango ako. "Oo naman, bakit?" Okay nga ba kami? Hindi ko rin alam.
Nag-iwas siya ng tigin, "Bakit pakiramdam ko ang layo mo sa akin, kahit na magkasama lang tayo ngayon?"
Napatingin ako sakanya, hindi ko maiwasang makosensya dahil sa sinabi niya.