Chapter 42:
Reah's POV:
"Alam mo ang weird ni mommy" hindi ako sumagot sa sinabi niya. I'm too caught up to the music that's playing right now.
I met his glance and it was like saying all the answer to the things I wanted to ask him.
"Hindi ko alam kung bakit gustong-gusto ka niya para sakin." Ako lang ba o parang uminit talaga ang pisngi ko sa sinabi niya?
He chuckled and I closed my eyes because of it, weird how it feels good hearing him chuckle like that. Ano bang nangyayari sakin? Parang kanina lang nag-aaway kami sa table, tapos nung hinila niya na ako dito para sumayaw parang hindi kami magkagalit kanina. At bakit nga ba masyado na kong nagiging masunurin sakanya?
"Ang ganda ng kanta," pag-iiba ko ng usapan. Yumuko ako para di niya makita ang mukha ko.
Hinila niya ko ng mas malapit pa kesa kanina, wala nang natirang space sa pagitan namin. Kumakawala ako pero lalo niyang hinihigpitan ang hawak niya sa bewang ko.
He nodded agreeing to what I've said earlier.
"I wish the time would stop right now .. with us, in this position." I can feel his breath on my ears nang sabihin niya sakin yun.
Parang may kung ano dun sa sinasabi niya na yun na nakakapagpatahimik at nakakapagpaamo sakin. This is so not me, kung ako yung Reah na unang nakilala ni Tyron, I'd be pushing him by now and piss the hell out of him to stop him from doing these things, but my mind says not to do so. Itanggi ko man hinihiling ko rin na sana tumigil ang oras samin habang nagsasayaw kaming dalawa na para bang walang ibang tao sa paligid namin.
Kismet ang title ng kanta, Silent Sanctuary. Isa sa mga local bands na gusto ko, ewan ko ba pero parang lahat ng kanta nila may malalalim na meaning.
"You know my mom actually said that we're meant to be together, fate daw. Bakit ba kayong mga babae naniniwala sa ganun?" Napangiti ako sa tanong niya.
Hindi ako naniniwala sa ganun, hindi ako naniniwala na ang dalawang tao ay pinagtatagpo ng tadhana kung talagang para sa isa't isa sila.
"Hindi ko alam, itanong mo sa naniniwala dun." ipinatong ko ang baba ko sa balikat niya, buti na lang nakaheels ako ngayon at naabot ko siya.
"Hindi ka naniwala dun?"
"Hindi ..." Umiling ako. "Bakit ikaw?"
"Hindi, pero ngayon .... naniniwala na ko. Naniniwala akong tayo talaga."
Pinalo ko siya sa likod, mahina lang siyempre. "Ayan ka na naman eh, kanina ka pa. Di pa ko nakakabawi dun sa valuable things mo ha."
"Tsk, nananakit ka na naman. Seryoso kasi yun." I pouted, seryoso .. seryoso niya mukha niya puro siya banat eh.
Nilapit niya ulit ako sakanya para kaming magkayakap. Nakakahiya >////<
"P-paano si Maicah?" hindi ko maiwasang isipin yun. Ang alam ko kasi mahal na mahal niya si Maicah, baka nabibigla lang siya. o may nakita lang siya sakin na kagaya ng kay Maicah kaya siya nagkakaganito. At sa tuwing naiisip ko yun, parang may kung anong sumasakit sakin. Bakit ganun?
Bumitaw siya sakin at tinitigan ako sa mata. Yung mga mata niyang nangungusap, nanlalambot ako sa tuwing tinitigan niya ko kagaya ng pagtitig niya sakin ngayon.
"Anong pano siya?" halatang naguguluhan siya sa sinabi ko. "alam mong wala na kami, at alam mo kung anong kwento nun di ba?"
Hindi ako nakasagot, oo alam ko ang kwento nila. Kaya nga mahirap para sakin maniwala, dahil kung ako ang nasa sitwasyon niya, siguradong nasasaktan pa rin ako hanggang ngayon.