Chapter 62

85 5 2
                                    

Chapter 62:

Reah's POV:

"Good morning Reah," bati ng isang ka-batch namin na hindi ko alam ang pangalan kaya naman kahit hindi ko siya kilala ay binati ko lang din siya pabalik.

Naglalakad ako papasok ng school, hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam mo may kakaiba ngayon.

"Good morning Reah!" Bati na naman sa akin. Alam ko isa siya sa mga ka-team nila Tyron sa basketball.

"Hi good morning din!" Masigla kong bati. Pero agad napakunoot ang noo ko nang nginitian nila ako ng makahulugan.

May mga sumunod pang bumati sakin habang naglalakad ako at for the first time sa tagal kong nag-aaral sa Cayden University ngayon ko lang ata natahak ang corridor na parang sobrang layo. O mabagal lang akong maglakad? Hindi ko na binati pabalik ang mga sumunod dahil medyo natatakot na ko, meron kasing mga ngiti sa labi nila na parang nagsasabing may ginawa sila sakin o may bagay akong hindi alam. Gosh! Di ko alam kung nasakin ba ang problema o nasa sakanila!

"Andrea," halos mapatalon ako sa gulat nang sumigaw si Marvie na nasa likod ko pa at mukhang hinahapo pa dahil hinabol ako. Nasa kabila ko naman si Andrea na attentive na nakatingin kay Marvie, "alalayan ang buhok ng kaibigan natin at masyadong mahaba!"

Tumango naman si Andrea at nagpeke ng saludo bago umakto na parang may binubuhat nga at ako naman ay parang tangang naglalakad habang pinag-iisipan kung anong meron. Okay --

"Ano talagang nangyayari?" Huminto ako at ganun din sila. Tiningnan ko sila pareho pero nakangiti lang sila na parang mga may sapi sakin.

"Pumasok ka sa classroom para malaman mo ~" pakantang sagot pa ni Andrea bago sila naghampasan ni Marvie na parang mga sira.

Hindi ko sila pinansin bagkus ay naglakad ako ng mabilis papuntang classroom. Ano kaya ang nangyayari?

Habang papalapit ako ay kabang-kaba ako. Bawat hakbang palapit ko sa classroom ay siyang bilis din ng tibok ng puso ko. Patakbo namang sumusunod sa akin si Marvie at Andrea. Bakit parang ako lang ang walang alam?

Pagtapat ko sa pinto ng classroom ay napahinto ako at napahawak sa dibdib ko. Nagchant muna ako ng pampatanggal kaba sa isip ko bago ko tuluyang buksan ang pinto.

Nang buksan ko ay sabay-sabay silang nanahimik at tumingin sa direksyon ko. Iginala ko naman ang paningin ko sa loobng classroom at naabutan kong masa may harap si Tyron at nakaupo pa sa teacher's table habang kausap yung isa naming kaklase. Tinapik niya muna ito sa balikat bago umalis yung lalaki at ngayon lahat sila ay nakatingin na sakin nang may malawak na ngiti sa labi.

Hindi ko alam pero parang bigla akong nainis. Anong ibig sabihin ng mga ngiti na yan? Ang sarap lang lamutakin ng mga mukha nila dahil parang inaasar nila ko at pakiramdam ko ay pinagkakaisahan ako.

Padabog akong lumapit kay Tyron at naghalukipkip ng mga braso. "Anong meron?" Taas kilay kong tanong sakanya.

Hindi mawala ang ngisi niya, yung ngisi na talagang mababadtrip ka. Ugh, ganyang-ganyan ang itsura niya dati nung nagbabangayan pa kami. Gusto ko siyang sapukin dahil sa itsura niya ngayon!

"Anong anong meron?" Tanong niya pabalik pero nakangiti pa rin. Halatang nagmamaang-maangan ang kapre.

"Di ako nagbibiro! Bakit ang creepy ng mga tao ngayon?" Tanong ko pero hininaan ko yung boses ko nung tinanong ko kung bakit ganun ang mga tao sa school pati mga kaklase namin. Iginala ko ang tingin ko at yung kaninang mga ngiti ng mga kaklase namin ay parang mas lalong lumawak.

"Guys, may problema daw ba tayo?" Tanong ni Tyron sa buong klase halata sa boses na nagpipilit lang siyang magseryoso pero alam kong nagpipigil na ng tawa ang hudas na 'to.

My KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon