Chapter 49

175 9 2
                                    

Chapter 49:

Reah's POV:

Masakit? Wala kang idea kung ano ang ibig sabihin niyan. Kung kailan naman tinutulungan mo yung sarili mo na makamove-on sa isang bagay na alam mo nang imopisbleng mangyari tsaka naman ipapakita sayo kung gaano katotoo yung mga bagay na siya ding dahilan ng pagsuko mo sa tao na yun.

Nakaupo sila katapat ng inuupuan ko. Magkatabi, habang ako nagkukunwari na walang nakikita. Na para bang hindi ako nag-eexist at wala sila sa harap ko. Pero deep inside, durog na durog na ko. Kailangan ba talaga na ipamukha pa mismo sakin na nagkabalikan na sila?

Teka, bakit nga ba iniisip ko 'to? Kung tutuusin, nakaupo lang naman sila at nag-uusap. It's not like naglalandian sila sa harap ko, pero parang ganung yung pakiramdam na binibigay sakin ng nakikita ko ngayon.

Uulitin ko yung tanong. Masakit? Sobra. Pero ito ako, nakaupo, nagkukunwaring masaya sa harap ng mga kaibigan namin. Unti-unti nang lumalabo yung mata, pakiramdam ko umiikot yung paningin ko at anumang oras ay matutumba ako.

Pero bago pa mangyari lahat ng iniisip ko, bigla nalang may kung anong tumakip sa mata ko. Mainit na palad, hindi agad ako nakapagsalita dahil sa pagkakabigla. Napahawak nalang ako sa kamay na nakatakip sa mata ko, inalalayan niya kong tumayo.

"Tara samahan mo ko," kahit nakatakip ang mga mata ko kilala ko ang nagmamay-ari ng boses na yun.

Namalayan ko nalang na naglalakad na kami at unti-unti nang humina ang mga boses mula sa barkada. Para bang nakalayo na kami sa lugar kung nasan sila.

Tinanggal ni Deither ang kamay niya na nakatakip sa mga mata ko. Unti-unti ko namang iminulat ang mga mata ko. Bumungad sakin ang malungkot na mukha niya. Wala na kami sa garden, nasa sala na kami ngayon ng bahay nila KIT.

Hindi ko alam ang sasabihin ko, walang ibang napasok sa isip ko kundi ang mga nakita ko kanina. Silang dalawa, masayang nagkukwentuhan.

Nakatingin lang ako kay Deither na para bang hindi rin malaman ang sasabihin sa akin. Napakagat siya sa labi niya at inihilamos ang isang kamay sa mukha habang nakapamewang.

"Nakakainis talaga yang mga mata na yan," para bang inis na inis niyang sabi. Bakit? Inaano kaya siya ng mata ko?

Tinitigan niya ako na para bang hindi malaman ang gagawin sakin. At hindi ko rin naman malaman kung bakit ba walang nalabas na salita sa bibig ko.

Siguro kasi, ang tanging iniisip ko lang na kung ano man ang meron samin ni Tyron, yun ay dahil ako na mismo ang nagsabi kung hanggang saan nalang kami. Ginusto ko to eh. Tapos ngayon iiyak iyak ako?

"Ano Reah, uuwi na ba tayo?" Alam kong tanong yun pero parang sinasabi na rin ng tanong na yun na yun lang ang option ko at yun na ang sagot mismo.

Pero umiling ako. Masokista na kung masokista, mas pangit naman kung aalis kami di ba? Mas mahahalata lang na nasasaktan ako, na apektado ako.

"Anong hindi? Eh tingnan mo nga yang mata mo." Sabi nito sakin.

"Deither," tawag ko sakanya, ibinaling niya sakin ang tingin niya at unti-unting umamo ang naiinis na expression ng kanyang mukha.

Napabuntong hininga siya, "nakakainis ka pag ganyan ka, alam mo ba yon?" sabi niya atsaka ako hinatak palapit sakanya at niyakap. Naramdaman ko na dumapo yung kamay niya sa likod ko at hinagod ito.

Lalong lumakas ang hikbi na pinipigilan ko. Pakiramdam ko nakahanap ako ng kakampi, na pwede kong ilabas ang kahit anong nararamdaman ko ng hindi mahuhusgahan. Ang sakit sakit na kasi talaga.

"Sige na, iiyak mo lang. Kasalanan ko rin to eh, di na sana kita pinilit magpunta dito." Sabi niya habang hinahagod pa rin ang likod ko.

Umiling-iling ako, "Ako ang may gusto nito, wala kang kasalanan. Pasensya ka na kung lagi nalang akong umiiyak ..." Hays, kailan ba yung huling araw na hindi ako umiyak? Wala. Lagi akong naiyak. Nagiging iyakin na ko.

My KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon