Chapter 30

587 12 5
                                    

A/N:

Isa itong maikling update, paumanhin dahil ito lang ang aking nakayanan. At bitin din ito, inuunahan ko na kayo :) Maraming salamat sa 4k+ reads at sa 101 comments. Nakakahawak xD ( touch ) LOL. Kornimats. Ayun lang naman, love ko kayo :*

Chapter 30:

Reah's POV:

It's been weeks since the last time we spoke. Things have changed. Magulo pero tahimik. Hirap akong paniwalaan yung mga nangyari. Okay naman kami eh, anong nangyari?

*flashback*

"Reah, lunch. Treat daw nila KIT, tara?" Nakatayo si Andrea sa harap ko at nag-aayos ako ng gamit ko bago lumabas.

"Sige mauna ka na, susunod ako. May hahanapin lang ako." Balita ko kasi nandito daw siya, eh bakit hindi siya pumasok? Anong trip ng isang yun?

Hindi na sumagot si Andrea at umalis na. Tumayo naman ako at lumabas na, saan ako magsisimulang maghanap?

"Ms. Mañago, can you do me a favor?" Napasinghap ako sa gulat, huminga muna ako bago lumingon sa pinanggalingan ng boses.

"Yes Ma'am, ano po yun?" Sh*t, ito yung mga awkward moments na di ko malaman kung paanong tayo ang gagawin ko sa harap niya.

Tumawa siya ng mahina, lumingon muna sa paligid. Ako din tuloy napalingon, walang masyadong tao sa corridor, malamang nasa canteen.

"Will you give this to my son, Reah? You know, I have this feeling na makikinig siya sayo." Inabot niya sakin yung sandwich.

I creased my forehead with her sentence, talaga? Kailan pa nakinig sakin ang Tyron na yun?

"Ah, sige po ma'am. Actually hinahanap ko rin po siya pero hindi ko po siya makita eh." Hindi ko na lang sinabi na hindi siya pumasok. Mahirap na, baka magalit pa sakin ang isang yun.

"Well, mukhang hindi na kailangan" Sabi niya at tumingin sa likod ko, napalingon din ako at nakita ko si Tyron na naglalakad. Hindi niya ata kami napansin kasi nakatungo siya. "Paano? I have to go, Reah. Ikaw na ang bahala sa isang yan."

Hindi na ko nakasagot pa, bigla na lang umalis si Tita Eloisa.

Nilapitan ko si Tyron at humarang sa dadaanan niya, napaangat naman ang ulo niya at tumigil sa paglakad.

"Pumasok ka pala, bakit di ka umattend ng 4 periods?" Tiningnan niya ko simula ulo hanggang paa habang nakakunot ang noo niya, napatingin din ako sa sarili ko. May mali ba sakin?

Pag-angat ng tingin niya sa mukha ko at nagmeet ang mga mata namin lalo pang kumunot ang noo niya na para bang hindi makapaniwala na nasa harap niya ko.

"Oh bakit? Wag mo sabihing nagka-amnesia ka nung nasa Batangas ka?" tanong ko sakanya, pero hindi pa rin siya nagsalita. Tumayo lang siya dun habang nakapamulsa. As if naghihintay ng maayos na sasabihin ko.

Okay fine, I give up. Mahirap makipagbiro sa taong tuod, wala siya sa mood? Edi okay! Titigil na nga eh, di ba?

Iniabot ko sakanya ang sandwich na bigay ng mama niya. "Oh, pinapaabot ni tita Eloisa." Tiningnan niya lang yung inaabot ko tapos hindi nagsalita. Inirapan niya ko at dumaan sa gilid ko.

Ako?

Nganga!

Ano bang problema ng isang 'to?

Parang nag-akyatan ang dugo ko sa ulo at hindi ko napigilan ang sarili kong ibato yung sandwich sakanya. Tumama sa likod ng ulo niya yun. Huminto siya sa paglalakad pero hindi siya tumingin.

My KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon