Author's Note:
Hellooooooooo! Ay grabe, una sa lahat gusto ko muna magpasalamat sa biglaang pagdami ng naglagay sa reading list nila ng My Kismet, sa mga nagfan sakin. Sa mga bumoto at nagcomment, sa naglagay ng message sa message board. Hindi ko alam kung paano ko sasagutin lahat ng mensahe niyo, nangangapa pa ko eh. Hindi ko talaga inexpect na dadami ang magbabasa nito eh, ang gusto ko lang e isulat 'to at gamitin ang mga kaibigan ko bilang pangalan ng characters. Pero ayun, sobrang blessed na ko sa mga nakaappreciate. Sana suportahan niyo pa at susubukan ko namang mameet yung satisfaction niyo. Sa mga silent readers ko, labas labas naman po diyan :) Di po ako nangangagat promise! So ayun, ito na yung unang pasasalamat ko. Hahabaan ko 'to para sainyo. Thank you ulet :*
------
Chapter 26:
Reah's POV:
"Kung ako yan, nirereplyan ko na yan girl." Nilapag niya sa mesa yung tatlong baso na may laman na juice.
Duh! Ano namang irereply ko sa text na tuldok lang?
Oo, tuldok lang. Wala nang iba. Yun lang.
"Eh pano kung napindot lang?" Oo tama! Baka ganun nga, "Kung nandun lang sa bulsa tapos naupuan or something?" Tanong ko.
Tinap ako sa balikat ni Marvie habang tuloy-tuloy pa rin sa pagtetext.
"Friend, lately nagiging tanga ka na." Umiling-iling siya. "Ano yun? Napindot tapos kusang nakapagtext sayo? Wow naman ha?! San nanggaling yung guess mo?" Tinanggal ko yung kamay niya sa balikat ko.
"Hindi kayo nakakatulong alam niyo yun?" >3< Inaaway nila ko! *sniff*
"Sinasabi na nga'ng itext mo eh! Makulit ka Reah?!" -- Andrea
"Tawagan nga muna!" -- Marvie
"Itext sabi eh!" -- Andrea
Nagtakip ako ng tenga habang nagsisigawan sila.
Ako pa naman yung nasa gitna nila T^T
*bzzzz*
"May natawag!" Tiningnan ko sila at tumingin naman sila sa cellphone ko.
"Sagutin mo!" Aagawin sana ni Marvie sakin ng inilayo ko. Tumayo ako sa sofa at tiningnan ang screen.
Oh my God! Oh my God! Tumatawag siya! Bakit siya natawag?!
Nagpaikot ikot ako.
Sasagutin ko ba?!
"Girl! Nahihilo na kami! Sagutin mo na!" -- Andrea
Napahinto ako at tumingin sakanilang dalawa.
Waaah!
"Oo na! Oo na!" Pinindot ko ang answer button at nilagay sa tenga ko.
"H-hello?"
Walang nagsasalita, pero may humihinga.
"Hello? Tyron?"
Wala pa rin nagsasalita, ano ba 'to? Nababaliw na ba si Tyron? O nasira na yung mamahalin niyang cellphone? O di kaya ... di kaya ... Naabduct siya ng mga aliens? O nakidnap?! At kausap ko ngayon ang mga kidnappers?! Oh nooooo!
"Tyron?! Hello?! Nakidnap ka ba ha?!"
[ Anong nakidnap ang pinagsasabi mo diyan? ]
Nagitla ako ng may sumagot sakin. Hinga Reah, hinga ...
"E-eh hindi ka kasi nag .. nagsasalita eh! Akala ko kung ano nang nangyari sayo!"
At natahimik na naman yung kabilang line.