Chapter 15:
Tyron's POV:
Hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon. Ang akala ko kasi, pag sinabi kong nakalock yung pinto .. Magagalit siya. 30 mins. na kaming nandito, pero wala akong narinig na reklamo galing sakanya. Mas lalo tuloy akong kinakabahan pag ganyan siya.
"Hoy --" tumingin siya sakin. Nakaupo ako sa isa sa mga kama sa clinic at ganun din siya. Magkatapat lang kami. "Ayos ka lang ba?" baka kasi may masakit sakanya o ano, dahil hindi normal na tumahimik ang isang kagaya niya, lalo na sa ganitong sitwasyon.
Ngumiti siya, psh! Made in China.
Tumango siya sakin. "Nagugutom na ko."
Err, nagugutom? Sa totoo lang ako din nagugutom na. Anak ng! Hindi ako naniniwala na may multo, kanina muntik pa kong maniwala, pero ngayong may naglock ng pinto mula sa labas? ASA pang maniniwala ako! Pag nalaman ko lang kung sino talaga ang may gawa nito, humanda talaga sila sakin! -__-++
"Anong ginagawa mo diyan?" Tanong niya sakin nung nilingon ko siya.
"Naghahanap ng pagkain, baka meron .." sagot ko.
Tsk, ano ba naman 'to? Puro gamot! Alangan namang makain namin 'to!
"Aish! Nakakainis!" bwiset! Gustong gusto kong may magawa pero wala akong magawa sa sitwasyon namin. Pakiramdam ko tuloy kasalanan ko 'to.
"Pst" tumingin ako sakanya. "Lika .." sabi niya habang pinapat yung space sa gilid niya para paupuin ako.
Umupo naman ako dun, "Bakit?" tanong ko.
Napaatras ako nang bigla niyang iangat yung dalawang kamay niya,
"Tsk! Wala akong gagawin sayo, lumapit ka dali!"
siya pa nagagalit ngayon? Bigla bigla na lang kasing naganun!
Lumapit uli ako para walang away. Baka bigla akong kainin nito. Ganito ba 'to pag gutom?
She put her pointing fingers on my eyebrows and stretch it. "Stop stressing yourself, salubong na ang kilay mo oh?" sabi niya habang hinihilot ang sintido ko.
Para namang unti-unting nagrerelax yung katawan ko. Hays! Naman kasi! Bwiset na pakulo yan! Hindi ba nila naisip na baka hanapin kami at isiping may nangyari saming masama?
"Sorry ha?"
Urgh! Tyron, ba't mo naman biglang nasabi yan?!
Itinigil niya yung pagmamasahe niya sakin at umatras ng kaunti para tingnan ako. Kumunot ang noo niya, "Para saan?" tanong niya sakin.
"Dahil nandito tayo" I paused and sighed. "Kasalanan ko 'to eh, kung hindi ako nagpanic kanina, hindi sana tayo nandito ngayon .."
Dinaramdam ko yung pagsisi sa sarili ko nung mapansin kong tulala siya na akala mo eh may nagdaang anghel sakanya.
I snapped my fingers in front of her face. "Huy! Ayos ka lang?! Narinig mo ba yung sinabi ko?" she snapped back to her senses and shook her head. Weird talaga 'to.
"Ano san nakaabot ang imagination mo?" pang-aasar ko.
Napaatras na naman ako nung bigla niyang ipatong yung likod ng palad niya sa noo ko. Urgh, seryoso?! Mahilig siyang manghawak ng biglaan!
Sinalat salat niya pa yung noo ko, tapos inilagay ang kamay niya sa sarili niyang leeg, anong ginagawa nito?
"Wala ka namang lagnat ah?" sabi niya na parang malalim ang iniisip.
