Chapter 65:
Reah's POV:
Nagising ako dahil sa biglaan pagtunog ng cellphone ko, kinapa ko yun habang nakapikit pa ang isang mata ko at sinagot ang tawag.
[ Good morning. ]
Napangiti ako sa boses na yun, sobrang husky ng boses. Ilang linggo palang nagiging kami pero nakasanayan niya na ang paggising sakin ng ganito. Pagkagising niya sa umaga, I bet hindi pa mulat ang parehong mata niya ay tinatawagan niya na ko para batiin ng good morning. Sobrang husky pa ng boses niya at lalo akong naiinlove sakanya dahil dun.
"Good morning din." Pigil ang ngiti kong bati sakanya kahit na alam kong hindi naman niya makikita.
[ Sinagot mo na ko di ba? Hindi panaginip yun? ]
Tumawa ako dahil sa sinabi niya. Oo nga pala, isa pa 'to sa nakagawian niya. Ang tanungin ako kung totoong sinagot ko na siya.
"Oo nga, kapag inulit mo pa yan babawiin ko na talaga. Ilang linggo mo na kong tinatanong niyan ha."
[ I love you, B. ]
"I love you too, B." Hayyy, umaga pa lang pero buo na agad ang araw ko.
Ewan ko ba kung bakit sa dami-rami ng tawagan, yan ang tawagan namin. Kasi daw, B stands for every endearment. Babe, Baby, Boo, Bae ... Common nga naman kasi kapag buo kaya isang letter nalang at least maraming meaning.
[ Punta ko diyan, date tayo? ]
"Paalam mo ko kay Papa, tsaka kayla Kuya."
[ Tsk, kay tito na lang. Wag na kay Rob. ]
At dahil sa sagot niya ay napatawa ako, ayaw niyang nagpapaalam kay kuya Rob dahil mas matindi magbigay ng curfew si kuya at kung minsan ay hindi napayag. Buti pa si papa, madaling kausap.
"Di pwede, ikaw talaga."
[ Joke lang, sige gagawan ko ng paraan. Miss na kita. ]
Kahit na paulit-ulit ko na 'tong naririnig araw-araw ay bumibilis pa rin ang tibok ng puso ko. Kahit pa alam kong kakakita lang namin kahapon at posibleng hindi totoo yun ay kinikilig pa rin ako. Ang korni namin di ba?
Pagkatapos namin mag-usap sa cellphone ay bumaba na ako at nadatnan sila mama na kumakain. Andun din sila kuya at papa dahil linggo nga pala ngayon.
"Oh ayan na pala si Reah e," bungad ni Kuya Rain nang makita ako.
"Halika anak, maupo ka. Pinaguusapan namin yung birthday mo. Less than 2 weeks from now nalang yun. Ano bang gusto mong celebration?" Tanong ni mama.
Oh my gee, oo nga pala ano? Magse-17 na ako sa 28 at ngayon ko palang naalala. Kung hindi pa sinabi sa akin ni mama ay hindi ko pa maiisip. Haynako, Reah.
"Kahit wala na po, Ma. Malaki na nga ang naibigay niyo sakin para sa outing namin next week." Yep, may outing kami kasama ang barkada next week.
"You have to celebrate anak, we have to invite my colleagues to gather more investors. Besides, kailangan makakuha ng boto ng kuya mo para mapromote."
I frowned, si papa minsan talaga nadadala na sa personal na buhay ang trabaho. Pero okay lang since hindi naman niya kinakalimutan na mag-spend ng time samin. Natatakot lang siguro siyang mawalay ulit samin.
"Kayo na po ang bahala papa, I'll gladly participate to whatever decision you'll have."
"Aalis ka ba ngayon?" Tanong ni kuya Rob and I nodded.
"Lalabas daw kami ni Tyron." Sagot ko sakanya.
"Wag papagabi, sabihin mo kay Tyron bawal kang ilayo."