Author's Note:
Eh kasi nga, bakasyon na. Nakaluwag na stress. Weh? XD Okay, di na ko manghihingi ng comment. Wala namang magbibigay. LOL. Papalitan ko din yung portrayer ni Deither, sasabihin ko na lang sa next UD. ~
Chapter 33:
Reah’s POV:
Hindi ko alam kung anong nangyari kay Deither, bigla na lang niya kong niyakap. Pero sa tingin ko malaki yung problema niya, kasi hindi naman siya yung ganitong klase ng tao eh. Lagi siyang masaya, kaya nag-aalala ako para sakanya. Ano bang dapat kong gawin para tulungan siya?
“Sigurado ka bang okay ka na?” tanong ko sakanya.
Tumango lang siya at ngumiti. Nakaupo kami dito sa labas, mabuti na lang din at wala pa ang mga kuya ko at si Mama. Mahihirapan pa kong mag-explain kung andito sila.
“Maghahanap na ko ng trabaho, Reah …”
Nagitla ako sa sinabi niya, may problema ba siya financially?
“Bakit? Mahirap maghanap ng trabaho, Deither … Underage pa tayo ..”
“Kailangan eh, kahit anong trabaho okay na sakin … Mahirap kasi yung … umasa ka sa tulong ng iba.”
Nalungkot ako sa sinabi niya, gusto kong tanungin kung anong nangyayari pero hindi ko kaya. Pakiramdam ko kasi masyado nang personal yun.
“May … maitutulong ba ko?” Sana meron, kahit ano lang .. Para lang mabawasan yung bigat ng nararamdaman niya ngayon.
Tiningnan niya ko at nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko.
Umiling siya, “Basta nandiyan ka lang, okay na ko Reah.”
>///< Bigla atang uminet?
“Reah?”
“H-ha? B-bakit?” Naku Reah! Wag kang kabahan sa harap niya, nahahalata ka eh!
“Masama ba pakiramdam mo? Namumula ka ata?” Sabi niya at hinawakan niya ko sa pisngi.
Hinawakan ko yung kamay niya at inalis sa mukha ko.
“H-hindi ah, p-parang ano .. uminet lang bigla ..” Pinaypay ko yung kamay ko para magmukhang kapani-paniwala.
Woooh! Kasi naman! Mahilig kasing mambigla sa mga banat eh! -___-“
“Reah …” Napatingin ako sakanya, please wag ka nang bumanat Deither. Baka mahimatay na ko sa susunod mong sasabihin eh! “Naalala mo nung nasa cross road tayo?”
Oo naman no! Alalang alala ko yun! Yung araw na dapat sasabihin kong pumapayag na ko na ligawan niya ko, kaso biglang umulan! Lagi na lang nauudlot yung moment namin together. </3
“A-ah? Yun? Oo naman, bakit?”
Umiwas siya ng tingin sakin at napahimas siya sa batok niya.
“A-ano kasi … Hindi mo pa kasi sinasabi yung sagot mo sa tanong ko nun ..”
>///< Shocks, akala ko nakalimutan na niya yun .. Ano ngayon Reah? Anong sasabihin mo ngayon?! Pwede bang call a friend? O kaya ask for help? Naku Reah! Nakuha mo pa talagang magjoke sa mga ganitong sitwasyon!
Seryoso na! Sasabihin ko na talaga! Alam ko sa sarili ko na gusto ko naman siya. Gusto mo naman siya Reah di ba? 1st year pa lang, gusto mo na siya. Di ba?
“A-ano Deither ..” Tumingin siya sakin, shet! Kumalma ka lang heart, kalma ka lang! Patapusin mo muna yung sasabihin ko!
*tug*