Chapter 9.2:
( 3rd Person Speaking )
"I don't get it at all! Paanong nangyari na magpinsan sila ni Deither? It's impossible! Ang bait bait kaya ni Deither! Tapos si ... si Tyron?! Tyron Ramirez?! Are they f*ck*n kidding me?!" At ipinaypay pa ni Reah ang kamay niya na parang hindi na siya makahinga.
"Tell me Dayang, paano ba tayo nagkaron ng kaibigan na ganito? Sobrang OA lang! Bubusalan ko na to!" Sabi ni Marvie, sabay kain ng fries.
Nasa canteen sila, after ng mind blowing revelation ni Deither at Tyron wala nang nakapagsalita sakanila. Speechless at shocked. Natapos lang sila sa "Sabi ko na, hindi talaga halatang magkamag-anak tayo dahil mas gwapo talaga ako sayo!" ni Tyron.
Huminga na ng malalim si Reah at magpapatuloy sana sa pagrarant ng "Do you mind?" Napatingin sila sa nagsalita at isang nakangiting Deither ang bumungad sakanila. Parang bulang naglaho ang inis ni Reah at lumabas na naman ang pagka-demure. "Not at all, come join us." Sabay usog niya para paupuin sa tabi si Deither.
Umupo naman siya at ibinaba ang tray ng pagkain niya. "Still processing?" tanong nito na agad namang nagets ni Reah. Napairap tuloy siya.
"Malamang! Sinong hindi?! --" She paused, kumagat siya sa burger na binili niya."Ikaw naman kasi! Malay kong may kalahi ka palang gaya nung isang yun!" Sabi niya na puno ang bibig. Not realizing she's eating her own words. Literally.
Nandidiri pang pasimpleng nag-abot ng tubig si Andrea sa kaibigan. "Sorry 'bout that. I just can't belive it!" Sabi pa ni Reah matapos makainom.
Napangiti na lang si Deither dahil dito. "Enough of that, saklap man para sayo pero ganun talaga eh! Hindi talaga halatang magkamag-anak kami. We're not talking to each other not unless importante ang pag-uusapan. Matatanggap mo rin yun! Sana wag mo naman akong layuan dahil dun. Ang tagal na nating magkaibigan eh." Napahampas ng mahina si Reah sa braso nito .. "Of course not! Ano ka ba? Mas paranoid ka pa sakin ah! Never! Di tayo magpapaapekto dun."
"Ay teh, may langgam ata sa ilalim ng table, may matamis ba dito?" nagpaparinig na tanong ni Marvie na kausap si Andrea. "Feeling ko nga nakakagulo lang tayo dito eh!" Gatong pa ni Andrea. Binato naman ni Reah ng crumpled tissue ang dalawa at natawa nalang sila. Nakitawa na rin si Deither.
Out of the blue, bigla na lang may humila kay Reah. Hatak siya nito palabas ng cafeteria nang bigla niyang hilahin ang kamay niya pabalik. "Ano ba?!" Sigaw niya habang hinihingal pa. Humarap sakanya ang galit na mukha nito. Natakot tuloy siya bigla, unusual.
'Napakabipolor talaga ng isang to.' Isip ni Reah nang makita ang itsura ni Tyron.
"Help me pass the exams." Simpleng sabi nito. Nagtaka naman si Reah dahil dito. 2 weeks na nung nilipat sila Tyron ng mom nito sa section nila Reah at two weeks since naging tutor siya nito, nothing seems to work between them. Masyado kasing nagmamagaling si Tyron sa sarili niyang tutor.
Paano nga ba niya naging tutor si Reah?
To be more clear, balikan na nga lang natin talaga.
FLASHBACK:
May awkwardness sa atmosphere nung biglang dumating ang mom ni Tyron. Standing straight, with poise and elegance, napatayo na rin silang tatlo.
"Good morning po, Mrs. Ramirez .." kabadong bati ni Reah, hindi malaman kung ngingiti ba o ano. Bumati na rin si Andrea, habang si Tyron .. Chill na chill lang na nakatayo at nakalagay ang mga kamay sa magkabilang bulsa.
Nawala naman ang pagkatense nila nang ngumiti sakanila ito. Totoo talagang mabait siya, at hindi nakakaintimidate ang presence niya. "Hindi ko alam na may kaibigan ka pa pala, bukod kayla Brylle at KIT." parang natutuwang puna nito.