Chapter 43

276 6 5
                                    

Chapter 43:

Tyron's POV:

*kriiiiiiiiing*

Kinapa ko yung cellphone ko na nag-iingay. Siopao! Wala pa kong tulog!

Dapat ba hindi ko talaga siya iniwan kagabi? Aish!

"Manang!" tumayo na ko para kumain. Lalabas ako ng bahay, baka mabaliw ako.

Asan ba yung mga tao dito? "Manang?"

Bumaba ako sa hagdan, sumilip ako sa kusina, walang tao. Nasan ba sila?

"Mom?" Linggo ngayon kaya walang pasok, nasan sila?

Pumunta ako ng sala.

May nakita akong nakaupo, nakatalikod sa direksyon ko. Sigurado akong hindi si mom 'to.

"Excuse me?"

Lumingon yung babae at tumayo.

"Surprised?"

Sabihin niyong nananaginip lang ako. Hindi totoo 'to ... Hindi ...

Reah's POV:

Namulat ko ang mata ko, nakaramdam na naman ako ng hilo. Ang sakit ng ulo ko, teka? Paano ako nakauwi dito?

Dali-dali akong tumayo at bumaba. Naabutan ko si Kuya Rain.

"Kuya, asan sila?" parang ang tahimik kasi ng bahay.

"Oh, ba't ka bumangon? Ayos ka na ba? Wala si Kuya, sinamahan si Mama sa palengke, pagluluto ka daw ng may sabaw. Buang ka no? Ba't ka tumuloy sa party niyo may lagnat ka pala?"

Ha? Ako? Nilalagnat? Kaya pala ang init ng pakiramdam ko at sumasakit ang ulo ko.

"Hindi tuloy ako makaalis, pinapabantayan ka sakin."

Kahit kailan talaga 'to si kuya oh.

"Eh kuya, sinong naghatid sakin? Paano ako nakauwi kagabi?"

"Si Deither."

Si Deither? Ang akala ko si ....

"Dito ka nga, maupo ka diyan. Baka mamaya matumba ka na naman, ang baboy mo pa naman. Di kita mabubuhat." Hinila niya ko paupo sa sofa.

Pinalo ko siya ng mahina sa braso, ako baboy? Hindi kaya!

"Anong baboy? Kita mo 'to?" pinakita ko yung braso ko, "Wala ngang naalog na laman oh!"

"Kaya pala magkanda kuba-kuba na si Deither sayo kagabi!"

Nakakahiya naman kay Deither, siya pala ang naghatid sakin.

"Kuya cellphone ko?" nakakainis wala na kong maalala bukod sa nagsayaw kami ni Tyron, ni hindi ko alam kung paano ako nakauwi dito o kung anu nang itsura ko nun.

"Oh," inabot niya sakin yung cellphone ko. "Kanina pa yan natunog, nag-aalala na ata sayo yung mga manliligaw mo. Itext mo si Deither, magpasalamat ka man lang."

*pout* paepal to si kuya! Lagi na lang kinakampihan si Deither!

Madami ngang text, yung iba galing kay Marvie.

| Girl, asan ka? Sasabay ka ba samin? |

| Reah, sagutin mo yung tawag ko. Nag-aalala ako, nasan ka ba? |

| Sige, naihatid ka na pala ni Deither. Kwento ha. Ganda mo talaga! |

Text niya 'to kagabi pa, parang timang talaga yun.

Naghanap pa ko ng ibang text, nakita ko na may dalawang text galing kay Deither.

| Your tears are precious, wag mong sayangin sa bagay na alam mong hindi mahalaga. |

My KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon