Chapter 28

412 11 7
                                    

Author's Note:

Changing style. Maiintindihan niyo 'to. Henyo kaya mga readers ko, di ba? Tapos, tapos, tapos, wala akong makuhanan ng inspirasyon. Can you help me to find an inspiration? So Here goes mushy este - nothing. Sorry for the long wait, tinamad ako eh. HAHA! :">







Chapter 28:





*flashback*



"Happy 2nd Anniversary Babe!" Lumapit siya dito at hinalikan ito sa pisngi. Umupo siya sa harap nito.



Hindi niya alam kung bakit siya biglang kinabahan nang makita ang itsura ng girlfriend niya.



"Maicah, may problema ba?" Tanong niya dito at pilit na sinisilip ang nakatungong mukha nito.



"We're going to States." Hindi nakatinging sagot sakanya nito.



Alam niya ang ibig sabihin ng kausap niya, pero nagbaka-sakali pa rin siya na iba ang gustong ipahiwatig nito.



"Okay, kailan ang balik niyo?" Patay malisya niyang tanong dito.



Sinalubong ni Maicah ang tingin niya. She'd never looked at him like that before, it was emotionless. At dun palang, naramdaman na niya ang gustong sabihin nito. Nararamdaman niya na parang may kung anong napupunit sa dibdib niya. Pero pinigilan niya ang sarili niya. Ayaw niyang gumawa ng eksena sa loob ng fastfood chain na yun.



"Tyron, we're leaving ... and we're not coming back."



He faked a laugh.



"Rona, ano ba namang biro yan? Anniversary'ng anniversary natin, ganyan ka." His voice broke when he uttered the last words.



Lumambot ang ekspresyon ng mukha ni Maicah dahil dito at nagsimulang bumigat ang mga mata niya.



"Ty, I'm sorry." As if on cue, bumagsak ang kanina pang luha na pinipigilan niya.



He shook his head, "I'm going to talk to your mom, Tita will listen to me. We can --" She cut him off.



"You don't understand, ako ang nagdesisyon nito."



Natigilan si Tyron sa sinabi nito sakanya. Pakiramdam niya unti-unting nauubos ang lakas niya, nagsisimula na rin lumabo ang paningin niya dahil sa luhang naiipon sa gilid ng mga mata niya na agad niyang pinunasan.



Huminga siya ng malalim, "Bakit?" lakas loob na tanong niya, kahit pa alam niyang hindi niya matatanggap ang anumang dahilan na ibibigay nito sakanya.



Tumungo lang si Maicah at nagsimulang lumakas ang hikbi. Paulit-ulit sinabi ang mga salitang "I'm sorry, I'm so sorry."



Napalitan ng galit ang sakit na nararamdaman ni Tyron, naipalo niya ang nakakuyom niyang palad sa lamesa. "Damn it, Rona! Just please ..." nanghihina siya, nagsimula nang pumatak ang luha sa mga mata niya .. "Please tell me ... why are you doing this?"



Tumingin sakanya si Rona at pinunasan ang mga luha sa sarili niyang mata, "I'm doing this for you, hindi ko na kayang magsinungaling Tyron .." Nanginginig ang boses niya nang sabihin ang mga salitang yun, "I tried to love you and I did, trust me. but ... it's not the same."



Hindi nakapagsalita si Tyron sa mga susunod na salita na narinig niya mula kay Maicah.



"Mahal kita. Pero ... mas mahal ko si Deither." Lalong lumakas ang iyak nito habang nakatakip ang dalawang palad niya, "I'm so sorry, patawarin mo ko ... Hindi ko gustong lokohin ka."



My KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon