Chapter 63

88 6 1
                                    

Reah's POV:

| Roses are red, violets are blue. If God made me for you, why won't you say I do? |

Hindi ko mapigilan umirap at the same time ay mapangiti. Ang korni nitong taong 'to. Nagreply ako sakanya ng capitalized NO. As in NO. Hindi pa rin. Ilang rejections ba ang gusto niya sa isang araw? 8-12 noon ang schedule ng entrance exam ko para sa St. Paul. Medyo kinakabahan ako, first choice ko kasi dun ang BS major in Accountancy. BA in Mass Communication. Yung isa naman, BS major in marekting management. ( Si papa lang nagpush sakin mag-marketing para daw dun ako magtrabaho sa kumpanya ng papa ni Deither )

Speaking of Deither, hindi ko alam anong nangyari dun. Hindi na namin siya nakakausap, pero ang sabi ni papa ay pumayag na daw itong mag-training sa kumpanya. Agad-agad! Hindi ko talaga alam ano na ang nangyari sakanya.

Ah, ewan magrereview na nga lang ako!

--

Kinaumagahan ay hinatid ako ni Kuya Rob sa St. Paul University. Isa ako sa mga maaga at damang-dama ko ang kaba.

"Kaya mo na ba? Iiwan na kita dito kasi may meeting pa kami nila papa sa company." Sabi ni kuya Rob sakin.

Kahit nag-aalangan ako ay tumango pa rin ako dahil ayokong makaabala sakanya.

"Salamat kuya, ingat ka." Sabi ko dito atsaka kumaway.

Pumasok na ko sa isang room kung saan magte-take daw ng exam.

Kaya mo 'to Reah. Para sa future mo!

Pumasok ang proctor sa room at in-arrange kami base sa surname. Medyo nasa middle ako. Since ang magkakasama sa room ay L to N. First part ng exam ang math. Oh sht, here comes numbers.

--

Sa 4 hours na exam halos matuyuan ako ng dugo sa sobrang hirap ng mga problem solving at paghahanap ng value ng x. Halo-halo kasi ang part ng Math. Sa English naman, okay lang. Nakakadrain nga lang ang pagbabasa ng mahahabang selection. Sa Filipino, yun na ata ang pinakamadali sa lahat ng exam. Dun ako nahirapan sa analyzation dahil mahina naman talaga ako pagdating sa paga-analyze ng mga bagay. Huhu. Baka magbigte ako kapag di ako nakapasa dito. Pangatlo na 'to sa sinubukan ko. Pumasa na ko sa dalawa pero gusto ko pa rin makapasa dito.

Feeling ko tuloy paglabas ko dun sa exam room sobrang haggard at stressed na ng itsura ko. Hayyyy!

Agad kong kinuha ang cellphone sa bulsa ko para tingnan kung may nagtext pero wala. Kahit si Tyron na pina-flood ako ng kakornihan niya hindi na nagtext. Sabi ko na nga ba, sa una lang talaga magaling ang mga lalaki.

Naku, hindi ko nga muna siya iisipin dahil masakit ang brain cells ko at gutom na gutom na ko!

Hindi na ko nagpasundo kay Kuya kasi baka busy na siya, may pasok naman si Kuya Rain ngayon. Ganun din si Papa, hindi pa nga ata yun nakauwi sa bahay kagabi at sa office na naman nagpalipas ng gabi. Kaunting tiis na lang talaga at nagtatrabaho na rin ako para sakanila.

Dumaan muna ako sa fast food chain na nasa tapat lang ng St. Paul at kumain. Patapos na kong kumain nang magring ang phone ko at makitang tumatawag si Marvie sakin. Agad kong sinagot ang tawag kahit na tinatamad akong magsalita.

"Hello?" Walang kagana-gana kong sagot.

[ Baklaaaaa! ]

"Ano na naman?" Wala akong ganang makipagtalo kaya naman ganito ako makipag-usap.

[ nuod tayong basketball practice! ]

"Ayoko, pagod ako. Tuyo ang utak ko." Tumayo na ko at kinuha ang bag ko bago lumabas ng fast food.

My KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon