Chapter 11:
( Wednesday )
Marvie's POV:
"KIT!" Lumapit ako dun sa pwesto ni KIT at nakita ang nagpipigil na iritasyon sa mukha niya.
Pinapalibutan na naman siya ng mga babae -___-" Hindi niya ata ako narinig dahil masyadong maraming tao.
Lumapit ako sa pwesto niya at hinawi ang mga babae. "Huy, kanina pa kita tinatawag!" Bigla naman siyang ngumiti. Tuwang tuwa lang?
( o.o? )
"Waaaa! Hulog ka talaga ng langit!" -- KIT
"Ayyyy! Grabe naman! Bakit sila magkayakap?"
"Girlfriend ba yan ni KIT?"
"Mas maganda pa ko diyan eh .."
"Uhhh? KIT? Pinagbubulungan na nila tayo oh? Overreacting lang?" bakit naman kasi bigla bigla na lang nangyayakap ang isang 'to.
Humiwalay siya sakin at ngumiti ulit. "Sorry! Kanina pa kasi ako pinapalibutan. Pawis na nga ako oh? Sila kasi eh! Ganito ba talaga dito?" bulong niya, habang nagpupunas ng pawis sa gilid ng mukha niya.
Okay lang na pinagpapawisan ka KIT, ang hot mo pa rin naman ( >.< ) Ang bad mo Marvie! Pinagnanasahan mo siya!
Kinuha ko yung panyo sa bulsa ko at inabot sakanya. "Ikaw naman, di ka na nasanay! Magti-3 weeks na kayo dito samin. Ganyan talaga yang mga yan,! Pag nakakita ng gwapo, nagkakagulo." sabi ko habang pinipilit lumabas dun sa kumpulan hila siya.
Pero ayaw talaga nila kaming padaanin, kaya naman .. "TABI NGA! Dadaan kami ng BOYFRIEND KO!" sigaw ko, atsaka sila nagtabihan. Effective as always!
Ang close na namin no? Ganyan na talaga kami, nung nagsorry ako sakanya naging mabait na siya. Ang kulit nga niya eh! Sakanilang tatlo, siya ang pinakamaingay. Hindi na bago samin yung magpanggap na ganito. Magkaibigan naman kami eh! Okay lang sakin, kaya mas okay sakanya.
"Effective pa rin talaga pag ginagawa natin yun no?" natatawang sabi niya.
"Namaaan! Mga uto-uto yung mga tao dito eh! Teka, asan nga pala sila Tyron? Hindi ba tayo sabay-sabay na magla-lunch?" tama, sabay na kaming nagla-lunch. Kahit na away ng away si Reah at Tyron parang isang buong tropa na kaming anim.
"Ewan ko nga eh, baka andun na? Hindi ko nakakasama si Tyron nitong mga nakaraang araw eh."
"Si Reah rin! Hindi kaya— " Napatingin ako sakanya at napatingin din siya sakin. Sabay kaming napailing.
Malabo naman kasi yung iniisip namin na magkasama sila. Sa pagkakaalam ko, si Tyron na ata ang huling lalaki na gugustuhing makasama ni Reah.
Pumasok kami sa cafeteria at naghanap ng mauupuan, nakakita na sana ako ng mauupuan kaso nahatak ako pabalik. >///<
"San ka pupunta?" hawak pa pala niya yung kamay ko.
Nakatingin lang ako dun sa magkahawak naming kamay, kaya napatingin na rin siya. "Ay sorry!" Sabay bitaw niya sa kamay ko, "hindi ko na namalayan .." sabay tawa nito at napahawak sa likod ng ulo niya.
Parang uminit yung pisngi ko pero pinilit kong umarte na parang wala lang.
"Okay lang, san ka ba dapat? Nakakita na kasi ako dun ng mauupuan eh." tinuro ko pa yung nakita ko dapat na pwesto.
"Ayun sila Tyron kasama si—" oh? Bakit naman napatigil sa pagsasalita ang isang 'to?
Tiningnan ko yung tinitingnan niya at ..