Chapter 2

871 19 4
                                    

Chapter 2:

Reah's POV:

Ang sarap talaga ng simoy ng hangin sa umaga! Haaaay!

Uy, andiyan pala kayo! Naikwento ko ba na naglalakad lang ako papuntang school? Well, kung hindi pa, ngayon naikwento ko na. Haha! Malapit lang naman kasi ang bahay namin sa eskwelahang pinapasukan ko. Kaya mas okay kung maglalakad ako, nakakatipid pa ko (^ω^)ang smart ko no?

So eto na nga, naglalakad ako papuntang school. No pressure kasi maaga naman ako lagi napasok. Within 30 mins. Nakarating na ko sa school ..

Kaso ..

Bakit ang daming tao sa entrance ng school? May artista ba? Waaa! *o* Gusto ko ring makita!

Kaso baka maipit ang beauty ko sa kumpulan nila T_T

Di bale na lang. Okay lang yan Reah, may next time pa!

So ayun, naglalakad na ko malapit dun sa kumpulan ng tao at palagpas na sana ng biglang --

"Reah Mañago!"

Huh? May tumawag ba sakin? Hmm ..

Lumingon lingon ako sa paligid para hanapin kung meron nga .. Kaso wala naman ( ̄^ ̄)ゞ

Guni-guni ko lang siguro yun kasi andaming nagtitilian na babae dito.

Magsisimula na ulit sana akong maglakad ng may tumawag na naman sa pangalan ko, this time parang mas malapit na at napatingin ako sa likod ko.

"Ay kalabaw!" sigaw ko.

Halaaaaa! Bakit naman kasi biglang nasulpot si kuyang matangkad sa likod ko? (>3<) Tumingala ako at nakita ang nakangisi niyang mga labi.

"Reah Mañago, tama ba ko?"

Teka, parang ... San ko nga ba to nakita?

Nawala ang iniisip ko dahil sa malakas na bulung-bulungan ng mga tao.

"Ay siya pala yung hinahanap ni Tyron ..."

"Hindi naman kagandahan .. Ano kayang relasyon nila?"

"Akala ko sila pa ni Maicah?"

Aba?! Nahiya naman daw ako sa mga echuserang froglets na to .. Kung makapintas .. Ako ba ang sinasabihan nila na hindi kagandahan?!

Pwes ....

Okay lang, kasi totoo naman. T_T

Di naman ako papalag eh! Grabe naman sila! (T ^ T)

Humarap na lang ulit ako kay kuya na tumawag ng buong pangalan ko.

"Ahmm, ako nga. Bakit? Anong kailangan mo?"

Ngumisi na naman siya bago ihalukipkip ang magkabilang braso niya.

Gwapo sana si Kuya, wag lang magsmirk. Nagmumukha kasi siyang ungas ...

"Ako wala ... Pero ikaw .. Meron." Sabi niya.

Ha? Ako? Panong ako? Eh hindi ko nga siya kilala ..

"Ako po? Eh hindi nga po kita kilala kuya eh. Paanong nangyari na may kailangan ako sayo?"

Sa sinabi kong yun, bigla namang tumaas ang kilay niya na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko ..

Nanatili naman akong nakatayo dun at hinihintay ang susunod niyang sasabihin habang nandito pa rin ang mga chismoso't chismosa naming schoolmates.

Malelate na ko (~_~;)

Nakita ko naman na parang may binunot siya sa bulsa niya. Ano yun?! Hala! Baka nanalo ako sa raffle! (*o*)

My KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon