Chapter 38 Part 2:
Hanggang kelan ka ba papayag masaktan? Hanggang kelan mo ba masasabing tama ang magparaya? Hanggang kelan ka maghihintay?
Sa sitwasyon ni Andrea, hindi niya alam kung hanggang kelan nga ba siya maghihintay o kung may hinihintay pa nga ba siya.
Kung bakit naman kasi binigyan pa siya ng pag-asa na mapalapit dun sa taong mahal niya. Ayan tuloy, tumaas ang expectations niya.
"Andrea?" mabilis niyang pinahid ang luha na tumutulo sa mata niya.
"Kuya" sagot niya nang hindi lumilingon dito. Nagkunwari siyang nagsasagot ng libro.
Naupo sa tabi niya si Mike ..
"Gusto ko sana surprise kaso, lam mo namang sablay pinsan mo pagdating sa mga ganun eh. Itatanong ko nalang sayo kung anong idea mo sa birthday mo?"
Napatigil siya sa pagtingin sa libro na kunyaring sinasagutan niya. Oo nga pala no? Birthday na niya sa Sabado. Kasabay ng Christmas Ball nila.
"Christmas Ball namin yun eh, di naman nagtanong sakin sila Dad. Ewan ko." walang ganang sagot niya.
"Hina mo naman, kaya nga ako yung nagtatanong e. Proxy ako! Isipin mo nalang ako si tito Anton."
Tumingin siya sa pinsan niya.
"Kailangan pa ba yun? Malaki na naman ako eh. Kahit wala na. Wala rin naman yung mga importanteng tao sa araw na yun eh."
Sinundot siya nito sa tagiliran, "hala siya, KJ. Sus, bahala ka nga diyan, basta ikaw ang nagsabi niyan ha?" tumayo siya pero bago siya umalis may inilapag siya sa study table.
"Oh, yabang yabang ng gunggong na yun tapos papaiyakin ka rin pala. Isa pang iyak babasagin ko na mukha nun." at tsaka narinig ni Andrea na lumapat ang pinto.
Nagulat siya sa sinabi ng pinsan niya at tiningnan niya ang nilapag ng pinsan niya. Panyo.
~*
Hanggang kailan ka magpaparaya? Para kay Tyron? Yan nga din ang tanong niya sa sarili niya.
Hinahanap niya sa buong school si Reah dahil sigurado kasi siyang hindi pa umuuwi yung babaeng yun. Yun pa? Eh nagtataka nga siya kung bakit kumuha pa ang mommy niya ng security guard eh kung tutuusin pwede na nga si Reah sa trabaho na yun.
Nakarinig siya ng parang nag-uusap sa corridor malapit sa SC office kaya huminto siya at sumilip.
Pero mali atang sumilip siya dahil kung titingnan natin ngayon ang nakikita niya, tiyak na magugulat din tayo.
Kung sa ibang view simpleng hinihipan lang ni Deither ang mata ni Reah. Pero kung sa view mula sa kinatatayuan ni Tyron? Parang naghahalikan ang dalawang ito.
At sa di malamang dahilan, nakita nalang ni Tyron ang sarili niya na hawak si Deither sa kwelyo at malakas na suntok ang pinakawalan niya dito.
Sa gulat ni Reah, hindi agad siya nakapagsalita. At sa lakas ng suntok ni Tyron napaupo sa sahig si Deither, agad niyang pinunasan ang labi niya at natatawang tumingin sa pinsan niya.
Lalo namang naginit ang ulo ni Tyron dun.
"Gag* ka pare, gag* ka." hindi malakas pero bakas sa tono niya ang galit. Nalipat ang tingin niya kay Reah at walang anu anong hinila niya ito paalis dun at naiwan si Deither na nakaupo sa sahig.
Dumating na ang kinatatakutan niya. At ito na rin ang sagot ni Tyron sa tanong niya. Tapos na siyang magparaya.
~*
Hanggang kelan ka ba masasaktan? Yan naman ang tanong ni Ken kay Marienela.
"Kelan matatapos ang paglalaro mo?" tanong niya kay Marienela na kasulukuyang iniinom ang vodka niya mula sa sariling bar niya.