Chapter 54:
Busy ang buong school sa pagsulit ng last day of event nila, back to school and requirement na kasi next week. Mukha naman silang nage-enjoy lahat except for one person, Reah. Instead na magpahinga sa bahay nila gaya ng sinabi ng doktor ay pinilit pa rin nitong pumasok. She can't stay inside their house without having a decent talk with Tyron. She has to know he's okay. Pero hindi nito sinasagot ang tawag niya kagabi kaya pumasok siya para siya mismo ang makakita nito.
Nagkakagulo ang section nila sa sobrang excitement sa dadating na banda mamayang uwian, extended ang event hanggang 10pm dahil nga sa dadating na live band. Habang tensed na nakaupo si Reah sa upuan niya, wondering kung anong oras dadating ang hinihintay niya. Since okay lang naman na kahit anong oras pumasok ngayon, masyadong kinareer ni Tyron ang pagpasok sa oras na gusto niya dahil hanggang ngayon hindi pa siya pumapasok.
Naantala saglit ang kaba niya nang pumasok ang adviser nila para sabihing may college orientation daw bukas sa gym nila. 'Right, college ...' She thought, sa sobrang busy niya di niya na namalayan na kailangan na palang isipin ang college thing dahil malapit na ang graduation. She hasn't decided yet, since alam niyang di na niya magiging problema ang tuition. Pagkalabas na pagkalabas ng adviser nila ay bigla na namang bumukas ang pinto.
Her heart beats automatically rose as she saw who it was. It was none other than the guy he was waiting for. She swore, she planned everything she has to say to him, but now that he's finally there, standing ... alive. Biglang nawala lahat ng sasabihin niya.
What the hell?! She curses through her head. Bigla siyang nablangko. Dumaan pa sa harap niya si Tyron, they looked at each other for a second then Tyron proceeds to what he was about to do. Like nothing happened, he sat to his usual seat. Ignoring her existence.
Habang kinocompose ni Reah ang sarili niya, bigla namang dumating si Marvie at KIT na mukhang nagtatalo. Biglang nadivert ang kaba niya sa pakikinig kung ano ang pinagtatalunan ng dalawa.
"Sinabi ko sayo labs, di pwede. That's ... far from where I'm studying." Bakas ang frustration sa mukha nito.
"Does everything has to do with you, KIT? It's about college. Our own individual future. You can't just ask me to enroll where you want to, it's MY future we're talking about here." Sabi ni Marvie.
Reah blinked a few times, she can hear everything out loud. Sa harap daw ba niya magtalo ang dalawa. Biglang tumahimik ang buong classroom dahil sa pagtatalo nila.
"Future mo lang?! Di ba future dapat natin yung nakasalalay dito?! What the hell Marvs! Magka-college lang tayo biglang nagkaron na ng ikaw at ako?! Nawalan na ng tayo?!" Lalo pang lumakas ang boses ni KIT.
Tumayo si Reah at hinawakan ang balikat ng dalawang kaibigan, "Okay guys, kalma lang tayo pwede?" Tumingin siya sa buong classroom as if sinasabi nito kay KIT at Marvie na nakakatawag na sila ng atensyon.
Bigla namang nailibot ng dalawa ang paningin sa room at narealize din nilang gumagawa na nga sila ng eksenang dalawa. They both sighed, as if they're tired from their argument.
"We'll talk about this some other time." Mahinang sinabi ni Marvie kay KIT bago tumingin kay Reah, she mouthed 'sorry' before leaving the room.
Napahawak bigla si KIT sa sintido niya, awkward na ngumiti kay Reah.
"Sorry Reah, I didn't plan to go that far. Yung kaibigan mo kasi minsan sobrang ... agit."
Reah flashed her comforting smile before he tapped his shoulder, "you don't need to tell me about it, don't worry you'll figure it out." Sabi nito bago tumingin sa kinauupuan ni Tyron na ikinagulat naman niyang nakatingin sakanya.