Chapter 17

472 13 3
                                    

Chapter 17:

Tyron's POV:


"Eh sino muna yung babae sa picture?"

Kanina pa niya ko tinatanong kung sino yung babae sa picture, nung papalabas kasi siya ng kwarto natabig niya yung picture namin ni Rona. Hindi ko nga alam na meron pa pala nun dun. Tapos simula kanina, wala na siyang tigil magtanong ng tungkol dun. Paulet ulet ako ng sagot na

"Hindi mo nga kilala." Hindi ko lang mailakas ang boses ko dahil nanghihina pa rin ako. Pakiramdam ko nalutang ako dahil sa bwiset na lagnat na 'to.

"Eh kaya nga sasabihin mo sakin para makilala ko eh." Mahina ang pang-intindi ng scholar na 'to.

"Scholar ka ba talaga o ano?"

"Bakit ba yan lagi sinasabi mo pag naiinis ka na sakin? Nagdududa ka ba? Eh bakit ka pumasa? Kundi dahil sakin, di mo makukuha yung mga precious watch mo." Sabi niya at inartehan pa ang bigkas dun sa precious watch.

"Mabuti nama't alam mong naiinis na ko." Malapit na talaga, parang kanina lang natutuwa ako sakanya. Ngayong nangungulit siya ng nangungulet, nakakainis na rin pala.

"Ayaw mo talaga? Hindi mo talaga sasabihin?"

'Hindi nga, hindi ko sasabihin. Kaya wag kang makulit diyan. Hindi mo naman na dapat malaman kung sino pa siya eh. Nakaraan na lang siya.' Gusto kong isagot pero mas pinili ko na lang na hindi magsalita.



Reah's POV:

Hindi niya sinagot ang tanong ko. Bakit ba kasi ayaw niyang sagutin ang tanong ko? Para nagtatanong lang naman eh! >3< Wala namang follow up question eh, gusto ko lang malaman kung sino. Ang ganda kasi nung babae sa picture eh. Tapos .. parang ang saya saya pa nila dun ..



"Ayaw mo talaga ha?" tanong ko ulit. Nakaupo ako sa couch malapit sa kama niya at siya naman ay nakahiga, medyo bumaba na yung lagnat niya. Pero meron pa rin.



Hindi siya sumagot at tumalikod ng higa sakin. Abaaa! >.<



"Okay sige, alis na ko!" sabi ko at tumayo.



Nagulat ako ng hatakin niya ang braso ko, napaupo ulit ako.



"Wag! Dito ka lang."



Di ako makasagot, medyo nagulat kasi ako sa paghila niya sakin. Sakit nga eh :3



Takot pala siyang maiwan? Iniwan kasi siya nila tita Eloisa, may aasikasuhin daw kaya kami lang dalawa ngayon at yung kasambahay nila sa baba.

"Sagutin mo muna yung tanong ko." Ipinagkrus ko pa ang mga braso ko.

Titingnan ko kung kakagat, pero asa pa ko! Di kaya 'to madaling makumbinse.

Huminga siya na parang inilalabas ang inis. Hala! Nakulitan na nga ata sakin >O<

"Si Maicah yun."

Maicah?

Parang narinig ko na ang pangalan na yun .. San ko nga ba narinig yun?

Pwede naman palang sabihin eh, bakit di niya masabi kanina? Ano bang meron dun sa babae na yun at hindi niya pa masabi kung sino?



"Pwede naman pala sabihin, bakit di mo masabi kanina?" inis kong tanong.



"Because you wouldn't understand." humarap siya sakin at tiningnan ako. "Hindi ka nasaktan nang maiwan ka ng walang dahilan. Hindi mo naranasan maubos dahil sa maling tao."

My KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon