Chapter 10:
Reah's POV:
( Saturday; 7:30 am )
Nagdoorbell ako sa gate nila for the 3rd time. Nasaan ako? Nasa bahay lang naman ng ever so mabait at gentleman na si Tyron.
Alam niyo bang matapos kong pumayag sa "sapilitang" pagtutor sakanya ay tinalikuran lang niya ko? I mean, yeah .. May konting tuwa sa mukha niya na agad na nawala. Hindi ko nga sure kung naimagine ko lang ba yun? Pero pagkatapos nung split second na smile na yun, agad na niya kong tinalikuran at umalis. Amazing, right?
And I have no idea how did he get my number. Nakatanggap na lang ako ng text na naglalaman ng address at threat sa buhay ko.
Pero dahil mabait ako, sumunod naman ako!Siyempre! Kesa naman siya yung pumunta sa bahay namin! Hello! Anong sasabihin ko sa mga kuya ko? Kay mama? Kay Revi? Di ba? Hindi ko siyempre sinasabi ang set up namin ng yabang na 'to! And speaking of that inflated balloon, ang tagal naman ata niyang buksan ang gate?! Sasabihin sharp tapos siya pala 'tong tulog pa ata!
Last doorbell pag wala pa, aalis na ko!
Pipindutin ko na sana yung doorbell ulit nang biglang may magbukas ng pinto. Kasambahay siguro nila ..
"Goodmorning po, sino po sila?" tanong sakin nung babae. nasa mid 30's siguro to. "Uhh .. Goodmorning po! Ako po si Reah, classmate po ni—" naputol ang sasabihin ko nang may magsalita mula sa front door. si Yabang! Wearing his masungit face as always.
"Manang, papasukin niyo na yan." -- Tyron
Agad naman nag give way si ate para sakin. Ngumiti na lang ako, since wala namang binigay na dialogue ang author sakin.
"Bat ang tagal mo?" tanong niya sakin na parang naiinis pa.
Ayan na naman po ang b*tch*ness ng isang to, sino ba talaga ang babae saming dalawa ha? Ha? Sagutin niyo nga ako! Akala mo e, laging may buwan ng dalaw ang isang 'to!
"It's suppose to be my rest day, I'm suppose to do my homeworks and do an advance reading for the upcoming exam so don't complain as if you're the one doing me a favor. Okay?" Sagot ko dito habang naglalakad kami papasok sa sala. "Whatever let's just get this over with." sagot nito at nagsimulang maglakad.
Napairap nalang ako habang sinusundan ko siya.
Tama nga sila, hindi ini-emphasize ng bahay nila Tyron ang salitang "mayaman kami". Hindi kagaya ng mga ibang mayayaman na pag tiningnan mo pa lang ang flooring parang matatakot ka nang tapakan yun dahil feeling mo mas mahal pa yun sa brand ng suot ng isang common na tao.
Nadaanan namin ang kusina nila kung nasaan ang back door na nagko-connect sa parang maliit na garden ng bahay nila. It was nice ... Siguro alaga ni Mrs. Ramirez ang mga halaman dito. Nakakarefresh actually. Nagstop kami dun sa metal garden set nila. Naupo siya, kaya naupo rin ako! Gaya-gaya eh!
Ngayon ko lang siyang nakita na nakapambahay, sobrang simple lang actually .. boardshorts at plain white shirt. Okay sana, pero nasasapawan ng malalaki at itim na eyebags ang mga mata niya. Anong nangyari dito? Hindi ba siya natulog?
Nagitla ako nung magsalita siya, "What now? May problema ba sa mukha ko?" tanong niya sakin. Magkasalubong ang dalawang kilay at kunot-noo.
I cleared my throat, "Wala! So, anong uunahin natin?" mahinahon kong tanong sakanya.
"Kahit ano." sagot naman niya.
Napalingon ako sa paligid. How are we suppose to review? No books? No paper and ballpen? Ako ba dapat ang magdala para sakanya? Eh siya tong tuturuan ko! (-___-")