Chapter 72

1.6K 21 8
                                        

B: Hello, good evening! Sorry for the super ultra mega late update. Sobrang busy lang talaga. Hope you're doing well, and thank you for waiting. Enjoy reading. Ito na ho ang paliwanag ni Kairo. Kayo na ho ang humusga kung red flag ba talaga siya o hindi.

************

"Yes, please."

Nabalik ang tingin ko sa bata nang sumagot siya. Tumango naman ako at tumalikod na para ipagtimpla siya ng chocolate drink.

Kahit nakatalikod ay ramdam ko ang mabigat na titig na ipinupukol ni Kairo sa 'kin. Pinilit kong kumalma at itinuon na lamang ang pansin sa ginagawa ko kaysa magpadala sa presensya niya.

"Dad, you're here. Do you want to join us?" rinig kong tanong ni Vhon sa kanya

"Sure," agad namang sagot ng isa

Pagkatapos kong magtimpla ay nilagay ko ang baso sa harap ni Vhon at nginitan siya. Hindi ko pinansin ang mga mata ni Kairo na nakasunod ang tingin sa bawat galaw ko.

"Thanks, mom."

"Mom? You're calling her, mom?" tila hindi makapaniwalang tanong ni Kairo.

Tumango naman ang bata at ibinaba ang hawak na baso habang ako ay nanatili ang tingin kay Vhon.

"Kapag nagkaanak kami ni Kairo, sigurado akong ganito rin kagwapo," hindi ko maiwasang sabihin sa utak ko habang nakatitig kay Vhon na inosente lang na nakatangin sa akin.

"Vhon, if you're done, just give the glass to your father," saad ko sa bata

Tumango naman siya kaya ginulo ko ang buhok niya bago naglakad paalis ng kusina. Hindi na ako nag-abalang lingunin si Kairo at nagsimula nang maglakad pabalik sa kwarto ko.

"Vhon, I'll talk to your mom, okay? Just call the maids if you need something," rinig kong saad ni Kairo kaya binilisan ko ang lakad ko paakyat.

Nang marinig ko ang yapak niya ay mas lalo kong binilisan ang hakbang ko. Saktong isasara ko na sana ang pinto ng kwarto namin nang hinarang niya ang kamay niya doon.

"Please, let's talk. I know you're mad, and I completely understand because you have reason to be mad. That's why I gave you time to think, but 3 days is already too much. I can't take it anymore, wife. Please, here my explanation, baby," saad niya habang nakaharang ang kamay niya sa pinto. Nakikita ko sa mata niya ang pagmamakaawa at pagod doon.

Hindi rin nakalagpas sa paningin ko ang itim na kulay sa ilalim ng mata niya. Halatang kulang sa tulog. Pinaghalong stressed at puyat ang nakikita ko sa kanya ngayon.

Stressed siya? Stressed siya sa bagay na siya ang nag-umpisa. Kung una pa lang sinabi niya na, hindi kami aabot sa ganito.

Bumuntong-hininga na lamang ako at nilakihan ang pagbukas ng pinto. Oras na rin siguro para pakinggan ang paliwanag niya, hindi ako mapapanatag kung hindi masasagot ang lahat ng tanong ko. Hindi pwedeng takbuhan at talikuran ko siya palagi.

"Fine, mag-uusap tayo. Gusto kong marinig lahat sayo, Kalix," mariing saad ko.

Bahagya namang lumiwanag ang mukha niya at agad na tumango. Nang makapasok siya ay agad akong umupo sa kama.

"D'yan ka lang, tumayo ka lang d'yan. Huwag ka munang lumapit sa 'kin," saad ko nang ilang hakbang na lang ang layo niya sa 'kin. Hindi naman siya kumibo at nanatili sa kinatatayuan niya.

Pinag-krus ko ang dalawang braso ko saka siya tinaasan ng kilay, "Ano? Tatayo ka na lang d'yan?"

Bago nagsimulang magsalita ay huminga muna siya nang malalim at tiningnan ako deritso sa mata. "First, I want to apologize for hiding this matter. I know I fucked up—"

His Standard Wife (Dark Alpha Society)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon