SECRETLY INLOVE WITH MY BOYBESTFRIEND

27 4 0
                                    

SECRETLY INLOVE WITH MY BOYBESTFRIEND

"Ba't nakasimangot ka na naman? Anong drama mo?" Pang-uusisa ko kay JM nang makita ko ang itsura nito na nakatulala sa dalampasigan. Tumabi ako sa inuupuan niyang punongkahoy. Tumingin naman siya sa'kin.

"Ang cold na naman kasi sa'kin ni Ella. Di ko maiwasang mag overthink. " Aniya sa mahinang boses saka tumingin ulit sa malayo. Natahimik naman ako ng maramdaman kong parang may kumurot sa puso ko.

Ano namang bago? Siya lang naman lagi ang dahilan kung bakit nagkakaganito si JM.

Nasasaktan ako dahil ako, na nandito lagi sa tabi niya ay hindi niya mapansin o magustuhan pabalik. Pero mas nasasaktan ako kapag nakikita kong ginaganito lang siya ng walang kwentang babaeng 'yon.

"Kung ako ang girlfriend mo, kahit kailan 'di mo 'yan mararanasan sa'kin." Wala sa sarili kong sambit.

"Ha?"

"A-Ahh.. hehe ano.. b-ba't ba kase siya naging cold? Baka naman kasi inaway mo." Nasabi ko nalang.

Buti 'di niya ako narinig.

Kita kong lumungkot na naman ang mukha niya saka siya nagbaba ng tingin. Hindi ko siya kayang makitang gano'n kaya tumingin nalang ako sa malayo. "H-Hindi ko din alam. Mahal ko siya, Micee. Kahit kailan naman, alam ko sa sarili kong 'di ako makakasambit ng masasakit o masasama na salita sa kaniya para magkagano'n siya."

Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. "Gano'n naman pala eh. Ano na naman kasing rason ng girlfriend mong 'yan at nagiging ganyan na naman sa'yo? Baka naman may iba na 'yan." Natawa pa ako sa huli kong sinabi. Pero napahinto ako ng makita ko ang seryoso niyang itsura.

"H-Huy, joke lang—"

"Hindi 'yon magagawa sa'kin ni Ella, Micee." Mariin niyang sabi habang nakatitig sa'kin. "Mahal niya ako, alam kong hindi niya 'yon gagawin."

Lihim lang akong napangiwi sa sinabi niya.

Buti pa siya alam mong mahal ka niya. Eh ako?

"Okay, okay. Kung 'yan ang paniniwala mo. Basta ako, tutuparin ko lang 'yong pangako ko sa'yo na dito lang ako palagi sa tabi mo. 'Yon lang." Saka ko siya tipid na ningitian. Saglit siyang natahimik at ramdam ko naman ang paninitig niya sa'kin.

Goodness. Tigilan mo na 'yan, sasabog na puso ko sa ginagawa mo.

"Thank you talaga, Micee." Nasa tono niya ang pagiging sinsero. Pinilit ko ang sariling matawa para pigilan ang kilig.

"Okay lang 'yon. Sus, ikaw pa ba."

Napangiti rin siya. Natutuwa talaga ako palagi kapag nagagawa ko siyang pangitiin sa t'wing sinasaktan siya ng girlfriend niya. Kahit hindi niya alam na mahal na mahal ko siya, masaya na ako na kaya kong gawin ang mga hindi kayang gawin ng girlfriend niya sa kaniya.

Pero..hanggang dito nalang nga ba ako? Ang magiging sandalan niya sa t'wing nalulungkot o nasasaktan siya?

Buong gabing nasa isip ko 'yon. Halos hindi ako makatulog kakaisip dahil sa lintik na gumugulo dito sa isip ko.

ONESHOT TAGALOG STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon