Chapter 48

2.7K 65 0
                                    

Worried

*

Top Nathan Rodriguez

Hinawakan ko ang kamay niya at hinawi ko ang ilang pirasong hibla ng buhok niya na tumatakip sa mukha niya. Dahan dahan akong umupo sa tabi niya. Mahimbing na siyang natutulog dito sa tabi ko. Pero halatang halata sakanya na sobrang lungkot niya at sakit na sakit siya ngayon.

Bakit ba sayo 'to nangyayari Zyra? Bakit ikaw pa ang ginaganito nila?

(Tok-tok)

Natigilan ako sa pag iisip at tumingin sa kakadating lang.

"Iho, ka-ano ano mo ba siya?" Natigilan ako sa tanong na 'yun. Hindi naman siguro masamang magsinungaling muna ako ngayon, diba? Ngayon lang naman eh.

"Boyfriend niya po ako Doc." Ngumiti lang siya sa'kin pati ang kasama niyang Nurse. Lumapit sila kay Zyra at may something na tinignan 'yung Nurse doon sa may tabing monitor ni Zyra.

"Kamusta na ang lagay niya Doc?" Agad kong tanong. Tumingin ako saglit sakanya at nilayo ko na muna ang kamay ko sakanya.

"Mabuti nalang at nadala mo na agad siya dito, iho. Okay na ang lagay niya ngayon pero may titingnan pa kaming ilang series of test sakanya kaya kailangan niya munang mag-stay dito for 1 week. Pero depende pa 'rin 'yun kung kailan gagaling ang mga sugat niya." Nakahinga na ako ng maluwag ng marinig ko 'yun. Buti nalang sa awa ng Diyos ay okay na siya. Kahit gaano pa siya katagal dito, hihintayin ko pa 'rin siya at aalagaan. Hinawakan ko ang kamay niya. Hinawakan ko ng sobrang higpit.

"Mahal na mahal mo talaga siya ano, iho?" Napatingin naman ako bigla kay Doc. Tumango lang ako at pasimpleng ngumiti. Hinawakan niya ang bandang taas ng braso ko.

"Wag ka mag alala, mahal na mahal ka 'rin niya." Hindi ako nakasagot doon sa sinabi niyang 'yun. Lumabas na silang dalawa kaya naiwan na kaming dalawa ulit dito sa loob.

Umupo ako sa tabi niya at tinitigan ko lang siya. Masaya na ako na okay kana. Pero alam ko, hindi ako ang makakapag-pa-okay ng nararamdaman mo. Hinalikan ko siya sa noo at tumayo na. Kailangan na nilang malaman ang lagay niya.

*

Hannah Fin Silva

Haynako si Bes Zyra talaga. Umuwi na agad. Hindi man lang nagpaalam sa'kin eh. Balak ko pa naman sana siyang yayain mag malling. Hay.

"Miss ilag!" Narinig kong sigaw nung lalaking naglalaro ng soccer. Akala ko ako 'yung sinasabihan niya 'yun pala hindi. Yung babaeng katabi ko pala.

Itutulak ko sana siya palayo kaso huli na. Natamaan na siya ng bola at ayun. Nakatulog na. Nilapitan ko agad siya at tinapik tapik ang pisngi niya.

"Miss gising. Miss..." Sabi ko doon sa babae. Kaso no response. Tumingin ako sa mga lalaking naglalaro kanina. Nakatingin lang 'rin sila samin. Or should I say, sa'kin?

"Ano mga Kuya? Tutunga-nga nalang ba kayo dyan? Buhatin niyo 'to, dalhin niyo sa clinic. Bilis!" Tumango tango silang lahat at agad agad sa'kin kinuha 'yung babae. Mukhang medyo bad shot ang pagkakatama sa ulo niya. Tsk.

Ms. Cold Princess Meets Mr. Gangster Prince Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon