Jealousy
*
Zyra Lianne Alvarrezz
"Okay, that's all for today class. Class dismissed." Sa wakas, uwian na 'rin kami. Inayos ko na ang mga gamit ko ganon 'rin silang lahat.
"Bes, una na ako ah? May aayusin pa kasi ako sa office namin eh." Tumango lang ako. Hinalikan niya ako sa pisngi bago umalis na. Halatang busy na busy si Hannah araw araw. Hay.
"Pst! Baby, saan mo gusto pumunta?" Sinukbit ko na ang sling bag ko at nagsimula ng maglakad.
"Pumunta saan?" Inakbayan niya ako habang naglalakad kami. Tinulak ko siya palayo kaso, no use.
"Kaya nga tinatanong kita eh. Saan mo ba gusto pumunta?" Napaisip naman ako bigla. Saan nga ba? Pero wait, bakit kami lalabas? Tumingin ako sakanya nakita kong nakangiti lang siya. Ngiting aso eh.
"Ngini-ngiti ngiti mo dyan?" Tumingin siya sa'kin at nag-maang maangan pa.
"Ngumingiti? Sino ako?"
"Ay, siguro ako ata. Nangiti kasi ako eh, tignan mo. Oh, diba?" Natawa naman siya nagulat nalang ako ng bigla niyang pisilin ng sobrang pisil 'yung pisngi ko.
"Aray, mashakit!" Pinapalo-palo ko 'yung kamay niya. Bumitaw na siya at minamassage massage ko 'yung pisngi kong 'yun. Ang sakit non ah! Pinalo ko siya sa braso.
"Ouch! What was that for?" Ang arte, talagang 'ouch' ah? Pwede namang aray nalang.
"What was that for? Ang sakit kaya nang pisil mo sa pisngi ko!" Ngumiti lang siya at aktong aakbay siya sakin ulit ng biglang...
"BABY!" Nagkatinginan kaming dalawa at napalingon sa may likod namin. Napalayo sa'kin si Sage kasi biglang may yumakap sakanya na isang babae.
"Baby, I missed you!" Baby? Baby?! BABY?! The hell! Baby niya daw si Sage?! Nabingi ba ako? Lumayo siya saglit kay Sage at ngumiti. Napatingin ako kay Sage, akala ko itutulak niya na palayo 'yun kaso hindi.
"Baby? Ikaw na ba talaga 'yan?" He asked. Yeah, he's talking to his so called -- BABY. Ngumiti ng sobrang tamis yung 'baby' niya sakanya at yumakap ulit sakanya. Wow, what a scene.
"Yeah, ako na 'to ano ba! Gumanda ba ako lalo?" Inuulit ko, they are talking to each other. Wag niyo nalang ako pansinin dito. Siguro kasi parang poste lang ako dito. Nakatingin sa dalawang love birds na kulang nalang mag-halikan sa harap ko. Ngumiti si Sage at tumango.
"Really? Naks! Ang sweet mo na ngayon, ah? Don't worry, ikaw 'rin naman sobra kang pumogi." Ngumiti lang ulit sakanya si Sage. Halatang kinikilig siya eh, psh. Like I care. Isa pa, kapag hindi niya pa 'rin ako pinansin aalis na talaga ako.
"Kamusta kana pala? Kailan ka pa umuwi?" Him talking to his 'baby'. Ngumiti lang ulit 'yung babae at nag act na nag-iisip. Okay, tama na 'to. Tumalikod na ako sakanila at naglakad na papuntang parking lot.
Nahiya naman kasi akong manood sakanila doon pinag-titinginan nga sila ng ibang students eh. Paano naman kasi nakahawak 'yung dalawang kamay ni Sage sa may bewang nung 'baby' niya at yung kamay naman nung 'baby' niya, nasa may dibdib niya. Para silang nag-sasayaw sa JS prom eh, tsk.
BINABASA MO ANG
Ms. Cold Princess Meets Mr. Gangster Prince
Teen Fiction(Completed) What if, one day, a Drop Dead Gorgeous Cold Princess which only want is her freedom to do whatever she wants and to do as she pleases to. Accidentally met this Hot Gorgeous Jerk Gangster Prince which only want is to play around like a...