Special Chapter

2.6K 53 1
                                    

Past (Part II)

*

Hannah Fin Silva

Nasa Operating Room na ngayon si Third. Kinakabahan na ako dahil kanina pa siya nandoon at wala pa 'ring Doctor o Nurse na lumalabas galing sa loob. Hindi na'ko mapakali at makaupo kakaisip ng kung ano ano. Dahil sa frustration ko napasabunot nalang ako sa sarili ko. Kanina pa 'rin ako iyak nang iyak dito. Si Nathan pinuntahan niya si Steven. Kasi na-drug silang dalawa ni Third. Inaalam pa ng mga doctor kung anong klaseng drugs ba ang pinaamoy o pinainom sakanila dahil sobrang lakas daw ng tama nito sakanila.

Napaupo nalang ako sa sahig at mas lalo ko pang nasabunutan ang sarili ko. Bakit kasi napaka careless ko? Dahil sa'kin kaya siya nandoon ngayon sa operating room. Kung hindi sana ako na-kidnapped edi sana wala siya doon ngayon. Sana nakaalis na agad sila doon. Edi sana okay na sana ang lahat at okay na din siya.

Napaiyak nalang ako nang sobra. Dahil kahit anong gawin kong sisi ngayon sa sarili ko wala naman ng mangyayari pa. Nangyari na ang nangyari. Ang magagawa ko nalang ay maghintay at magdasal. Kahit nauubusan na'ko ng tiwala at pag-asa. Kakapit pa 'rin ako. Kakayanin ko 'to. Ang tanga tanga ko lang talaga para magpahuli. Ang tanga tanga ko talaga!

"Third, please. Wag mo na ulit akong iiwan. Dito kana lang sa'kin King, please..." Bulong ko sa sarili ko. Bago ko hayaang magdilim ang paligid ko.

*

Zyra Lianne Alvarrezz

Teka, nasaan ba ako ngayon? Sa pagkakaalam ko nasa ospital pa ako, ah? Tas ngayon nandito na ako sa hindi ko alam na lugar. Tsaka bakit ang dilim dilim masyado ng paligid ko? Bulag na ba ako?

"Hello!" Sigaw ko. Kaso walang sumagot pabalik. Echo lang ng boses ko ang naririnig ko. May narinig akong mga footsteps palapit sakin kaya napatakbo agad ako palayo. Nasaan naba kasi ako?

"Tulungan niyo ako!" Sigaw ko. Nagulat ako ng bigla akong makarinig ng putok ng baril kasabay non ay may yumakap sa likod ko.

"You're safe now, my baby."

Nanlaki ang mga mata ko. Si Sage ba 'tong nakayakap sa likod ko? Naramdaman kong lumuwag ang yakap niya sa'kin kaya agad akong humarap sakanya at sinalo siya.

Nakita kong may dugo sa tagiliran niya. No. No. Hindi pwede 'to. Tinakpan ko 'yun ng kamay ko at hiniga ko siya sa may taas ng legs ko. Bigla nalang may tumulong luha sa kanang mata ko dahil nakita kong nakapikit na siya. Hindi pwede 'to! Hindi mo ako pwedeng iwan Sage!

"Sage! Sage! Gumising ka! Sage!" Inalog alog ko siya. Kaso, wala. Hindi pwede. Hindi ka pwedeng mamatay Sage.

"Baby! Please, wake up! Wake up! Wag mo naman akong iwan nang ganito, please?! I need you Sage! I need you My Baby! Please!" Sigaw ko sakanya pero nanatili pa 'rin siyang nakapikit. Kaya hinalikan ko siya. Nagulat ako ng bigla niya akong halikan pabalik. Agad akong umiwas. Onti-onti niyang minulat ang mga mata niya at ngumiti siya sa'kin. Dahilan para maiyak pa ako lalo.

"Baby, please don't cry..." Sinubukan niyang abutin ang mukha ko para punasan ang luha ko kaso hindi niya kayang abutin. Kaya hinawakan ko ang kamay niya at nilagay ko 'yun sa pisngi ko.

Ms. Cold Princess Meets Mr. Gangster Prince Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon