Past
*
Flashback
--
"Class dismissed. Okay, bago lumabas pumila muna. Wag magtutulakan, okay? Behave dapat." Sabi ni Teacher Helen samin. Class adviser namin siya. Grade 4 pa lang kasi ako.
Pag labas ko nang classroom may mga students na malalaki na pumipisil palagi sa pisngi ko."Ang cute mo talaga Hannah!"
"Pwede ka bang ampunin? Waaa! You're so cute little kiddo!"
"Hindi siya cute, sobrang ganda lang."
"Little Miss Campus 'yan eh. Cute cute talaga." At kung anu ano pa pinagsasabi nila sa'kin, pero inisnob ko nalang silang lahat kasi pagod ako ngayon. Kahit nakaupo lang ako magdamag napagod pa rin ako. Hmph!
"Hannah!" Humarap agad ako sa likuran ko. Si Steven pala. Tumatakbo siya palapit sa'kin kaya umalis na ako sa pilahan namin.
"Why?" Tanong ko sakanya. Ngumiti lang siya sa'kin at inabot ang isang flower at ice cream.
"Anong gagawin ko dyan?" Mataray kong tanong sakanya. Pero deep in side sobrang kinikilig na talaga ako.
"Syempre kakainin mo 'yung ice cream tas 'yung flower naman ilagay mo nalang sa loob ng notebook mo or idisplay mo nalang sa room mo." Nakangiti niyang sabi sa'kin. Tinignan ko ang mga hawak niya. Kinuha ko agad 'yun at tinalikuran ko na siya.
"T-Thanks." Masungit kong sabi. Pero hindi ko mapigilan na hindi mapangiti. Ang sweet niya kasi eh. Kakainin ko na sana yung ice cream nang biglang...
"Oh my gosh!" Sigaw ni Briyana. Natapunan ko kasi siya ng ice cream sa uniform niya. Hindi ko naman sinasadya. Tinignan niya ako ng masama at lumapit sa'kin. May mga kasama siyang mga kaibigan niya at ang sasama din ng tingin sa'kin.
"Look what you did!" Sabay turo sa uniform at palda niya na puro ice cream na.
"Look, I didn't mean to do that, okay? It was just an accident, I'm sorry—" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla niya nalang akong sinampal ng sobrang lakas dahilan para mapaupo ako sa sahig at mabitawan ko na ng tuluyan ang ice cream na binigay sa'kin ni Steven. Hinawakan ko 'yun at napayuko nalang ako bigla.
"Hoy Briyana! Bakit mo naman ginawa 'yun kay Hannah?!" Sigaw ni Steven sakanya. Feeling ko mas lalong magagalit sa'kin si Briyana. Bakit? Kasi patay na patay siya kay Steven eh. Nagulat ako ng bigla niyang hilahin ang buhok ko at sinampal pa ulit ako.
"Lahat lahat nalang inaagaw mo sa'kin! Lahat nalang pati si Steven na dapat ay sa'kin lang! Mang-aagaw ka talaga!" Naiyak na ako dahil sa kahihiyan at sakit na nararamdaman ko ngayon.
BINABASA MO ANG
Ms. Cold Princess Meets Mr. Gangster Prince
Novela Juvenil(Completed) What if, one day, a Drop Dead Gorgeous Cold Princess which only want is her freedom to do whatever she wants and to do as she pleases to. Accidentally met this Hot Gorgeous Jerk Gangster Prince which only want is to play around like a...