*
After 8 years"Anak, sure kana ba talaga dito? Wala na ba talagang atrasan 'to? As in go na go kana talaga?" Natawa nalang ako kay Daddy. Para siyang bakla sa tanong niya eh. Tsaka isa pa, paulit ulit niya na kasing tanong sa'kin 'yan kanina pa eh.
"Ano ba, Daddy! Nakaunli ka ba ngayon? Ulit ulit ka ng tanong eh. Sabing oo nga! Go na talaga ako dito. Ngayon pa ba ako uurong kung kailan ito na?" Sabi ko sakanya habang natawa. Nakita ko naman siyang nag sad face at umupo sa may upuan dito sa dressing room ko.
"Oh, Daddy? Bakit ka biglang lumungkot dyan? May mali ba akong nasabi?" Tanong ko sakanya. Pumunta ako sa tabi niya at hinawakan ko siya sa may braso niya. Nakayuko lang siya habang nakaupo pa rin.
"Daddy?" Tawag ko sakanya. Pero hindi man lang siya tumingin sa'kin. Nakayuko pa 'rin siya at tahimik. Hindi ko tuloy maiwasan hindi maging malungkot din. Isa 'to sa mga pinaka masaya at importanteng araw sa buhay ko pero malungkot naman si Daddy.
"Daddy, sana kung hindi ka okay noon pa lang sinabi mo na agad sa'kin para at least na-move pa 'tong event na 'to sa susunod diba? Okay lang naman sa'kin 'yun eh. Maiintindihan naman ni Sage 'yun. Kung alam ko lang na magiging ganito sana—" Natigilan ako magsalita kasi bigla nalang siyang tumayo at niyakap ako nang walang pasabi.
"I'm sorry, anak." Bigla niyang sinabi. Naramdaman kong naiyak siya kasi nabasa yung balikat ko.
"Dad—"
"Sshh, ako muna ang magsasalita, okay?" Tumango nalang ako sakanya at yumakap din ako sakanya pabalik.
"Hay, alam ko ang drama ko ngayon. Pero masisisi mo ba ako? Ikakasal na din ang Baby girl ko. Naunahan mo pa ang ate mo." Hindi ko mapigilan hindi matawa kasi biglang naging babae ang boses niya doon sa part ni Ate Loreigne.
"Pero Daddy—"
"Kulit mo din, eh, 'no? Sabing ako muna ang magsasalita, diba?" Ay oo nga pala. Hays! Sorry naman! Nadala lang ako doon sa sinabi niya. Kaya nakalimutan ko na siya lang pala muna magsasalita.
"So, going back to the topic. Anak, hindi sa hindi okay sakin na ikakasal kana. Okay na okay nga sa'kin eh. Kasi alam kong gusto niyo 'tong dalawa ni Sage mangyari noon pa. At alam ko matagal niya na 'tong hinihintay." Pinipigilan kong matawa kasi ang seryoso masyado ni Daddy. Wala lang. Ang cute niya kasi.
"Masaya ako para sainiyong dalawa. Sobrang saya anak. Pero hindi mo maiaalis sa'kin na maging malungkot din kasi mamimiss kita ng sobra sobra anak eh." Doon na nawala ang ngiti ko sa labi. Kasi naramdaman kong lumalalim nanaman ang bawat paghinga ni Daddy. Pakiramdam ko maiiyak na din ako.
"Kasi wala nang mangungulit sa'kin tuwing uuwi ako. Yung yayakap sa'kin bigla at mamasahiin pa ang likod ko habang tinatanong kung kamusta ang buong araw ko sa trabaho at kung kamusta naman ako." Bigla kong naalala lahat ng panlalambing at pangungulit ko sakanya. Kaya hindi ko na talaga napigilang maiyak.
"Yung magsasabi sa'kin nang I love you Daddy, kain na tayo, kakatok pa sa kwarto ko para mag-good night lalong lalo na yung mag-pipigil sa'kin kapag nagtatrabaho pa 'rin ako sa bahay." Pumikit nalang ako at hinigpitan ko lalo ang yakap ko sakanya. At doon na talaga siya naiyak.
"Anak, I'm really sorry. Ayokong gawing malungkot ang araw na 'to kasi alam kong isa 'to sa pinaka mahalagang araw sa buhay mo. Kaya tama na 'to. I should stop myself for making a scene like this for this is your Wedding Day." Lumayo na siya sa'kin at pinunasan niya ang sarili niya. Pero nagulat siya nang makita niya akong umiiyak.
BINABASA MO ANG
Ms. Cold Princess Meets Mr. Gangster Prince
Teen Fiction(Completed) What if, one day, a Drop Dead Gorgeous Cold Princess which only want is her freedom to do whatever she wants and to do as she pleases to. Accidentally met this Hot Gorgeous Jerk Gangster Prince which only want is to play around like a...