Last
*
King Sage Luxcido
Bago kami umuwi ay bumalik muna ako sa bar. Hindi ko na pinapasok sila Mommy at Daddy sa loob dahil alam kong hindi nila magugustuhan kung ano man ang makikita nila dito sa loob.
Pumunta na agad ako sa room na tinutuluyan ko dito at kinuha ko lahat ng gamit ko don. Nag iwan na din ako ng pera para sa mag aayos ng mga gamit na ginulo ko dito.
Nakareserved pa 'rin naman 'tong room na 'to saming magtotropa eh. Pero syempre, may caretaker. Nung makuha ko na lahat ng gamit ko sa loob nilagay ko agad lahat sa loob ng bag ko kahit magulo. Aayusin ko nalang 'to pag nasa bahay na ako.
For now, kailangan ko ng magmadali. Mamaya kung ano pa mangyari kala Mommy at Daddy sa labas. Mapaaway pa ako ng 'di oras dito.
Naglakad ako ng mabilis palabas ng kwartong 'to, syempre nakipag-siksikan nanaman ako sa mga taong nagsasayaw sa dance floor. Pero dahil masyado silang magagaslaw magsayaw hindi ko sinasadyang may mabanggang babae. Natumba pa siya, siguro napalakas talaga ang pagkakabangga ko sakanya kaya natumba pa siya.
Kaya agad ko sakanyang inabot ang kamay ko hindi ko gawain ang tumulong sa iba pero hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ko ba siya tinutulungan.
Kaya naman niyang tumayo ng mag isa niya pero ewan ko. Tinignan niya ang kamay ko, hindi ko masyado makita ng maayos ang mukha niya dahil natatakpan ng buhok niya. Hindi ko maintindihan kung bakit biglang tumibok ng mabilis ang puso ko.
Dahan dahan kong binaba sa paanan ko ang bag ko at dahan dahan din akong umupo para lang makita ko ng maayos ang mukha niya. Pero nang makita ko na ng maayos ang mukha niya pakiramdam ko tumigil ang mundo ko.
"Z—Zyra?" Tinignan niya ako. Nagulat ako ng makita kong may sakit at lungkot sa mga mata niya. Hindi ko napigilang hindi maiyak. Panaginip ba 'to? Kasi kung panaginip lang 'to, ayoko ng magising.
Dahan dahan kong inabot ang pisngi niya. Nagulat ako ng mahawakan ko talaga 'yun. Totoo siya. Totoo 'to. Hindi lang 'to basta panaginip. Kaya agad ko siyang niyakap.
"Zyra, oh God. B—Buhay ka. Buhay ka nga." Tinignan ko ulit siya bago niyakap ko ulit ng mahigpit.
"H—Hindi mo ako iniwan. B—Binalikan mo ako. B—Binalikan mo ako Baby." Paulit ulit kong sinabi sakanya 'yun kasabay ng pagtulo ng mga luha ko. Hindi ko maexplain kung gaano kasaya ang nararamdaman ko ngayon lalo na ng mayakap ko pa siya. Para siyang isang panaginip pero ramdam ko at alam kong totoo 'tong mga nangyayari ngayon.
"Sage, I'm sorry. I'm really sorry. Mali 'to. Maling mali. Pero hindi ko na kasi kaya eh." Naramdaman kong yumakap na din siya sa'kin kaya mas lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap ko sakanya. Naramdaman ko na 'ring naiyak na din siya tulad ko.
"A—Anong hindi mo kaya, Zyra? Anong mali? S—Sabihin mo sa'kin." Nanginginig kong sabi sakanya. Nagsimula nanaman akong matakot. Parang ilang minuto pa lang ramdam ko na agad na mawawala nanaman siya sa'kin at iiwan nanaman niya ako.
"Zyra, please. W—Wag mo na ulit ako iiwan, please? Parang awa mo na. Wag na ulit. Please? Hindi ko na kaya. H—Hindi ko na alam kung ano pa ang mangyayari sa buhay ko kung tuluyan ka ng mawawala sa'kin. Kaya please, dito ka lang sa'kin. D—Dito ka nalang sa tabi ko. W—Wag kana ulit umalis, please?" Nanginginig kong sabi sakanya. Naramdaman kong mas lalong lumakas ang iyak niya. Kaya lumayo muna ako sakanya at hinarap ko siya sakin. Kaya mas lalo akong naiyak. Totoong siya nga 'to. Totoong totoo.
BINABASA MO ANG
Ms. Cold Princess Meets Mr. Gangster Prince
Teen Fiction(Completed) What if, one day, a Drop Dead Gorgeous Cold Princess which only want is her freedom to do whatever she wants and to do as she pleases to. Accidentally met this Hot Gorgeous Jerk Gangster Prince which only want is to play around like a...