I'm not your 'Alalay'*
Zyra Lianne Alvarrezz
"Payakap nga Bessy Hannah. Sobra pa 'rin akong—What the!" Nung nakita ko kung sino siya agad akong napalayo sakanya. Napangiti naman siya sa'kin. Feeling ko tuloy biglang umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko. Nakakahiya talaga.
"Hayaan mo na Zyra. Wag ka na mahiya sa'kin. It's okay." Sabi ni Nathan sa'kin sabay ngumiti nanaman siya. Halatang palangiti siyang tao. Nako! Gumagwapo tuloy siya lalo.
"Sorry ha? Akala ko kasi si Hannah." Pagkasabi ko non ngumiti lang ulit siya at ginulo pa ang buhok ko.
"Gugulatin kasi sana kita kaso bigla mo naman akong niyakap. Chansing ka ha? Hahahaha. Joke lang. Sige labas muna ako." Sabi niya at lumabas na habang ako naman naiwang nakatulala. Shiz. Mas lalo tuloy siyang gumwapo.
"Uy Bessy."
"Ay tae ka ng kalabaw! Bakit kaba nang-gugulat?""Aww. Grabe siya tae na pala ako ng kalabaw ngayon. How dare you Zy! Ang ganda ko kaya."
"So ano pong pinaglalaban natin?"
"Ito naman nagbibiro lang ako eh. Don't take it seriously. Maganda ka 'rin naman. Hahahaha."
"Tsk. Whatevs Hannah." Pagkasabi ko niyan agad naman akong umub-ob sa desk ko. Nakakaantok kasi talaga eh. Kasi naman buong gabi ako iyak ng iyak at dahil doon napuyat ako. Kasi naman si Da—nevermind. Ayoko na siyang pag-usapan. At ilang minutes nagsidatingan na 'rin ang iba pa naming mga kaklase. 'Yung iba binabati ako at si Hannah. Well anyway, mas maganda na 'rin naman ang ganon. At maya maya may narinig akong nagsisigawan sa labas at palapit ng palapit dito sa classroom namin. Kaya lumabas ako para tignan may nagkakagulo ata pero pagtingin ko.
"Kyaaaah! Buo na ang mga prince natin!"
"Oo nga! Gosh! Super gwapo talaga ni Steven! Waaaaa! I love you Steven!" Hay grabe talaga "tong mga babaeng 'to. Hindi na nahiya sa mga sarili nila.
"Oh my gulay! Si Third! Kada araw mas lalo siyang gumagwwapo! Kyaaaa!" Ano 'yun? Kada araw lang paano na pag gabi? Pangit na?
"Oo nga pero syempre sa'kin si Nathan my loves! Walang mas gagwapo sakanya! I love you Nathan!" Babae pa ba 'tong mga 'to? Ang haharot ng mga bibig. Mas lalong umingay ng biglang dumating si Engot. Grabe ang fangirls ni koya.
"Kyaaaaaaa! Nandyan na si Sage! Shocks! Tinignan niya ako! Tinignan niya ako. Waaaaa! Pwedeng pwede na akong mamatay!" Tsk. Wala naman na 'yang kwenta, so pumasok na ulit ako sa loob at umub-ob ulit sa desk ko. Hay. Grabe gusto ko ng takpan ng timba 'tong mga bibig ng mga babaeng 'to. Takte pati dito sa loob ng classroom namin eh, pumasok.
Maya maya biglang tumahimik. Anong nangyari? Kaya naman tinayo ko ang ulo ko at lumingon-lingon at bakit sila nakatingin sakin? Problema ng mga 'to?
"Diba siya daw 'yung new student dito?" Rinig kong sabi nung isang babae.
"Yeah and I heard na pinagkakaguluhan daw 'yang babaeng 'yan ng ibang boys dito sa school natin. Kaso mataray daw eh."
"Wala na akong paki doon. Ang gusto kong malaman bakit nakatingin sakanya si Prince Sage ko?" Napatingin naman ako sa mga babaeng nagchichissmissan. Kaya naman lumabas na sila ng classroom. Maya maya nahagip ng mata ko si Sage the Engot. Nakatingin nga siya sa'kin. So what? What's the big deal about that? Tingin lang eh. Kaya naman inirapan ko lang siya. Umub-ob na ako ulit sa desk ko. Tingin tingin pa eh. Tusukin ko mata niya eh.
BINABASA MO ANG
Ms. Cold Princess Meets Mr. Gangster Prince
Teen Fiction(Completed) What if, one day, a Drop Dead Gorgeous Cold Princess which only want is her freedom to do whatever she wants and to do as she pleases to. Accidentally met this Hot Gorgeous Jerk Gangster Prince which only want is to play around like a...