Jealousy (Part II)
*
Zyra Lianne Alvarrezz
"Zyra, wake up." Napaayos agad ako ng upo nang magising ako. Nakatulog pala ako. Hays! Nakakahiya naman. Palagi nalang akong ganito. Tumingin ako sakanya at nakatingin lang din pala siya sa'kin.
"K-Kanina pa ba tayo nandito?" Tumingin siya sa relo niya at umiling. Hooo! Buti naman dahil kung sakaling oo mas lalong nakakahiya sa part ko. Nandito na kasi kami sa bahay. Tumingin ako saglit sa cellphone ko. Aba, himala ata 'to ah. Walang text sa'kin si Sage. Psh. Bakit ko nga ba hinihintay ang text ng isang 'yun? Malamang magkasama pa 'rin sila sila ng 'baby' kuno niya.
"Oh, bakit bigla bigla ka nalang nasimangot dyan?" Pinisil bigla ni Nathan ang ilong ko kaya napatingin ako sakanya.
"Masakit 'yun ah!" Sabi ko sakanya sabay pinalo ko siya sa braso niya. Nginitian niya lang ako.
"Ikaw kasi eh. Kakagising mo lang sisimangot kana agad dyan." Napangiti nalang ako bigla sa sinabi niya. Ewan ko kung bakit pero basta nalang ako napangiti.
"Sige na Zyra. Baka hinahanap kana sa loob." Tumango lang ako sakanya at lumabas na ng kotse niya. Kasabay ko 'rin siyang lumabas ng kotse at pumunta siya agad sa tabi ko. Bigla ko nalang tuloy naalala 'yung kaninang scene namin don sa time zone. Yakapan-scene.
"Thank you, Zyra." Napatingin ako bigla sakanya. Thank you?
"Para saan Nathan?" Naghintay ako ng sagot niya. Kaso imbis na sagutin niya ako tumingin lang siya sa taas. Sa langit. Kaya tumingin nalang din ako doon.
"Wow, ang ganda ng mga stars." Kung nakikita niyo lang ako ngayon, I swear, para akong batang manghang mangha sa mga stars. Oh yeah.
"Oo nga eh. Kasing ganda mo." For the second time, napatingin nanaman ako sakanya. Nakita kong parang napa-iling iling siya sa sinabi niya at napakamot sa batok. Wait, totoo ba 'tong nakikita ko?
"Nathan, namumula ka ba?" Napatungo naman agad siya.
"S-Sige, mauna na ako Zyra, ah? P-Pasok kana sa loob. Baka kasi lamigin ka pa dito sa labas." Medyo nauutal siya magsalita pero hindi ko nalang pinansin kung bakit. Baka nahiya siya doon sa tanong ko. Natawa nalang ako ng mahina.
"Sige Nathan. Ingat ka." Tumingin siya sa'kin at ngumiti. Namumula pa 'rin siya. Ang cute. Sumakay na siya sa kotse niya at umalis na. Nag-wave lang ako sakanya kahit nakaalis na siya. Hindi ko na makita ang mukha niya kasi tinted ang bintana ng kotse niya eh.
Hays, pang ilang ngiti ko na ba 'to ngayong araw? Napailing iling nalang ako. Papasok na sana ako sa loob ng gate pero may napansin akong isang kotse doon sa may gilid ng bahay namin. Nilapitan ko 'yun at syempre nagtataka ako. Kasi wala naman kaming lamborghini na kotse. Kanino naman kaya 'to? At ba't nakapark dito? Medyo madilim na kasi kaya hindi ko makita masyado yung itsura nung kotse pero alam ko, lamborghini talaga 'yun.
Kinuha ko ang phone ko, hala ka. 7:30 na pala. Shit. Tumakbo na ako papunta sa may gate at binuksan 'yun.
"Bakit ngayon ka lang?" Nanigas naman ako bigla sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung bakit pero bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko. Dahan dahan akong lumingon sa may likod ko.
BINABASA MO ANG
Ms. Cold Princess Meets Mr. Gangster Prince
Teen Fiction(Completed) What if, one day, a Drop Dead Gorgeous Cold Princess which only want is her freedom to do whatever she wants and to do as she pleases to. Accidentally met this Hot Gorgeous Jerk Gangster Prince which only want is to play around like a...