His Side (Part VI)
*
King Sage Luxcido
Ilang minuto ko na siyang hinahanap. Pero hindi ko pa 'rin siya makita kita. Dapat kasi talaga hindi ko na sinabi ang mga 'yun. Hays! Masyado pa akong nagpadala sa selos at galit ko. Ugh!
"Nasaan kana ba kasi Zyra?" Halos inikot ko na 'tong buong campus namin kaso ni anino niya hindi ko makita. Nakaramdam na ako ng matinding pagod kaya napaupo nalang ako basta sa damuhan.
Tumingin ako sa paligid kung nasaan ako, nandito na pala ako sa Soccer field. Medyo mainit ngayon kaya nagpahinga lang ako saglit. Patayo na sana ako ng bigla akong napatigil sa nakita ko.
Pakiramdam ko umakyat nanaman lahat ng galit at selos ko sa ulo ko dahil sa nakita ko. Bakit ba tuwing nawawala ako saglit sa tabi niya may mga nalapit na agad sakanyang iba?
Tumayo na ako at lumapit sakanilang dalawa. Payakap na sana si Zyra sakanya nang bigla kong hilahin palayo sakanya si Zyra at sinuntok ko nalang siya bigla. Hindi pa ako kuntento doon. Tinayo ko siya habang hawak ko ang kwelyo niya at sinalubong ko ulit siya ng isa pang suntok sa mukha. Kulang pa 'yan!
"Sage! Ano ba! Tama na 'yan!" Biglang sigaw sa'kin ni Zyra. Napatingin ako sakanya. Sobra siyang hindi makapaniwala na nagawa ko 'yun. Hinawakan niya na ako para pigilan pero tinabig ko lang 'yun at pinagsusuntok ko pa 'rin siya. Halata namang nagpapaawa lang siya kay Zyra eh. At ang nakakainis pa, effective naman. Fuck diba? Susuntok pa sana ako ng isa pa nang bigla nalang ako tinulak palayo ni Zyra sakanya.
"Shit, Jello! Okay ka lang ba? Kailangan ka ng madala sa clinic ngayon na." Kinuha agad ni Nami yung panyo niya at pinunasan yung labi ni Jello na nadudugo ngayon. Tangina! Mas lalo lang akong nanggigigil sakanya eh.
"Ano? Nagpapaawa kang gago ka, ha? Pwes, hindi ka nakakaawa. Nakakagigil kang gago ka! Alam mo ba 'yun?"Susugurin ko sana siya ulit ng bigla nalang humarang sa harapan ko si Zyra. Nakatingin siya sa'kin ng masama pero naiiyak siya. Bakit?
"Sige! Subukan mo siyang suntukin ulit. I swear, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo!" Sigaw niya sa'kin. Kasabay non ang pagtulo ng mga luha niya. Mukhang mas lalo lang siyang naiyak. Shit! Ang tanga tanga ko talaga. Imbis na okay na kami mas lumala pa. Ayoko siyang nakikitang naiyak kaya patawarin sana niya ako sa gagawin ko.
Lumapit na ako sakanya at hinalikan ko nalang siya bigla sa labi niya. Pero hindi ko tinagalan. Gusto ko lang ipakita sa gagong
'yun na akin na si Zyra. Pagkatapos ko siyang halikan, hinila ko na siya palayo kay Jello at kinuha ko na 'rin ang bag niya. Mukhang gulat na gulat pa siya sa mga nangyayari buti na 'rin 'yan. Humarap ako kay Jello at tinignan ko siya ng matalim."Subukan mo pa siyang lapitan ulit. Hindi lang 'yan ang mangyayari sayong gago ka." Hinila ko na agad siya paalis doon. Hindi ko alam kung saan ko siya ipupunta dahil kahit sa sarili ko hindi ko alam kung saan ako pupunta. Basta isa lang ang gusto kong mangyari. Ang ilayo siya sakanilang lahat.
Nandito na kami sa parking lot. Buti nalang at walang tao dito. Binilisan ko ang lakad ko papunta sa kotse ko. Tinignan ko siya. Tahimik lang siya habang nakatingin sa kamay ko. Gusto ko pa sana siyang titigan kaso, nandito na kami. Tumigil na ako at syempre, pati siya. Binuksan ko na ang pinto niya at binato ko sa loob ang bag niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/9103079-288-k992282.jpg)
BINABASA MO ANG
Ms. Cold Princess Meets Mr. Gangster Prince
Novela Juvenil(Completed) What if, one day, a Drop Dead Gorgeous Cold Princess which only want is her freedom to do whatever she wants and to do as she pleases to. Accidentally met this Hot Gorgeous Jerk Gangster Prince which only want is to play around like a...