Chapter 64

2.9K 60 7
                                    

Goodbye

*

Zyra Lianne Alvarrezz

Pagkatapos nung nangyaring 'yun hindi ko na siya kinibo ulit. Sobra kasi akong natakot sakanya. Akala ko tuluyan ng mawawala sa'kin ang pinaka iniingatan kong bagay sa buong buhay ko.

Binigyan niya ako ng isang pares ng t-shirt niya na oversized para sa'kin. At isang boxer na oversized din. Nakaupo lang ako dito sa kama habang nakatago naman sa ilalim ng kumot ang buo kong katawan. Napapitlag ako ng bigla siyang tumabi sa'kin. Agad akong lumayo sakanya at kumuha ng isang unan. Nilagay ko 'yun sa pagitan naming dalawa.

Dahil hangga't maaari ayoko munang makalapit sakanya. Natatakot talaga ako eh. Masisisi niyo ba ako? Kahit mahal ko 'yang lalaking 'yan pakiramdam ko nagkaroon na talaga ako ng takot sakanya.

"Gusto mo bang kumain? Nagugutom ka ba?" Mahinahon na mahina niyang tanong sa'kin. Halos hindi ko na nga narinig ng maayos 'yung sinabi niya eh. Pero umiling nalang ako at tumingin sa TV. Hindi ko ba nasabi sainiyo na nanonood kami ng movie? Alam niyo kung ano 'yung movie? Inside Out. Yeah, right. Too childish.

Nagulat ako ng bigla nalang niya akong niyakap mula sa likod ko. Nakaramdam nanaman ako ng sobrang kaba kaya tinatanggal ko ang kamay niya na nakapulupot ngayon sa may tiyan ko.

"S-Sage, lumayo ka sa'kin." Nanginginig kong sabi sakanya. Pero hindi niya ako pinansin. Humigpit pa lalo ang yakap niya sa'kin.

"Sage please. L-Lumayo kana sa'kin. Bumalik na tayo ulit sa school. Please." Pagkasabi ko non agad niya akong binitawan at sinuntok 'yung pader. Nagsimula nanaman akong makaramdam ng takot at kaba sa buo kong katawan. Ano bang mali kong nasabi?

"Fuck, Zyra! Ayaw mo na ba talaga akong makasama, ha?!" Pasigaw niyang sabi sa'kin. Tumingin siya sa'kin ng masama kaya agad tumaas lahat ng balahibo ko sa katawan. I hate that stare.

"Oo! Ayaw na kita makasama pa kaya ibalik mo na ako sa school! Ibalik mo na ako kay Nathan!" Hindi ko alam kung bakit ko nasabi 'yun out of nowhere. Pero wala na akong magagawa. Nasabi ko na eh. Tsaka totoo naman eh. Ayoko na siyang makasama dahil takot na ako sakanya. Hindi na siya ang mahal ko. Hindi na. Ibang iba na siya sa dating siya.

Nagulat ako ng bigla niyang hinawakan ang braso ko sobrang higpit ng hawak niya sa mga 'yun. Agad naman akong napatingin sa mga mata niya. Nagulat ako sa nakita ko. Hurt was seen in his eyes.

"Hindi ko hahayaang mapunta ka kay Nathan, dahil akin ka lang Zyra. Akin ka lang." Matigas niyang sabi sa'kin. Natigilan ako sa narinig kong 'yun. Habang siya nakatingin pa 'rin sa'kin ng masama. Gusto ko sanang maniwala sakanya kaso hindi ko kaya. Pinilit kong tumawa kahit feel ko maiiyak na ako.

"Sayo lang ako? Sayo lang talaga ako, ha? Wow Sage! Wow!" Pagkasabi ko non agad niyang binitawan ang braso ko at pinagsusuntok nanaman niya ang pader.

"Fucking shit! Fuck! Fuck! Fuck!" Gusto ko siyang pigilan dahil nasasaktan akong makitang nagkakaganyan siya kaso, bakit parang ayoko na? Kasama ko naman na siya ngayon, ah? Pero bakit bigla ko nalang naisip 'to? Natigilan ako sa pag iisip ko ng bigla nalang akong hawakan ni Sage sa braso at hinila palapit sakanya.

"Akin ka lang, Zyra! Pag sinabi kong akin ka, dapat akin ka lang!"

*

Ms. Cold Princess Meets Mr. Gangster Prince Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon