Chapter 43

3.2K 90 8
                                    

Game On

*

Zyra Lianne Alvarrezz

"Can you be mine My Baby, for real?" Hindi ako sumagot or should I say, hindi talaga ako makasagot dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Tumingin ako sakanya at ngumiti siya sa'kin.

"Hihintayin ko ang sagot mo pagkatapos ng laban namin, ha?" Tumayo na siya sa pagkakaluhod niya. Hawak niya pa 'rin ang kamay ko. 'Yung mga babae naman nagsigawan pag tapos sa'kin itanong ni Sage 'yun. As in, lahat sila nagsigawan. Like, what the hell? Bakit mukhang okay na okay sila samin? Diba dapat magalit sila sa'kin?

Nagulat nalang ako ng bigla kong mapansin na inupo niya na ako sa may bleachers malapit sa may bag niya. Napatingin lang ako sakanya. Ngumiti siya sa'kin at pinat bigla ang ulo ko.

"I-cheer mo ako baby, ha? Para lalo kong ganahan maglaro." Feeling ko namula ang magkabilang pisngi ko dahil sa sinabi niya. Tumingin ako sa ibang direksyon at tumango. Heck! Bakit bigla akong nahiya sakanya?

Ginulo niya ang buhok ko at hinalikan ako sa noo ko bago siya umalis. Napatingin ako sakanya at wala sa sarili akong napahawak sa noo ko. And kung itatanong niyo kung nagsigawan sila. Yes lang ang masasagot ko dyan. Super yes pa!

Nung nakarating na siya sa teammates niya tumingin siya sa'kin at kumindat. Biglang tumibok nanaman ng sobrang bilis ang puso ko. Napahawak ako doon habang pinagmamasdan ko siyang mag-stretching. Mukhang kakaiba na 'to, ah? Palakas na kasi ng palakas ang tibok.

Feeling ko, pag sobrang lapit niya sa'kin maririnig niya na yun dahil sa lakas. Ano ba talagang ibig sabihin nito? May sakit na ba ako sa puso? Clueless talaga ako eh. Ugh! Damn it! I hate it!

--

"Whoa! Perfect 3 point shot for Sage Luxcido!" Sigaw ng nagbobroadcast doon sa may gitnang part ng court malapit sa mga audience.  Dahil sa shoot niyang 'yun halos mabingi na ako sa magkabilang sigawan ng mga die hard fans niya. Kahit yung kalaban nila na mga girls chinicheer na 'rin siya.

Lakas talaga ng charisma niya. 'Yun lang masasabi ko. Hatak hatak niya na nga ang buong team namin pati ba naman ang kabilang team naging cheerer niya na? Ayos!

"Aray!" Biglang may bumato sa'kin ng isang maliit na papel na may red ribbon na nakaikot. Tumingin ako sa likod ko nakita ko si Hannah na ngumiti sa'kin at tinignan ako na nagsasabing tumingin-ka-sa-gitna na look. Gitna? Eh, doon naman talaga ako nakatingin. Tsk. Ginawa ko nalang. Nagulat ako sa nakita ko. What the hell. Nag-flying kiss sa'kin si Sage.

"Kyaaaaaaaa! Nag-flying kiss sa'kin si Prince Sage!"

"Omogosh! Kilig to the highest level ako girl!"

"Gaaaaaa! Ang gwapo gwapo mo Prince Sage ko!"

"We love you Sage! Kyaaaaaa!"

Grabe na talaga ang audience impact niya. Flying kiss pa lang 'yun, ah? Paano pa kaya kung as in kiss na? Tsk. Girls will always be girls. Feeling ko tuloy sobrang pula na ng mukha ko. Tinignan ko 'yung papel na may red ribbon. Binuksan ko 'yun at natigilan ako bigla sa nabasa ko.

I love you Baby ko

Wala ako sa sarili kong napatingin kay Sage. Nag-shoot ulit siya at tumingin siya sa'kin. He smiled. This time, hindi ko na napigilan na ngumiti.

Ms. Cold Princess Meets Mr. Gangster Prince Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon