Chapter 61

2.9K 60 4
                                    

Getting Over Him

*

Zyra Lianne Alvarrezz

Nakita ko si Hannah at Third na magkayakap kanina sa baba. Hindi nalang ako nag tagal doon at agad bumalik dito sa loob ng kwarto niya. Napangiti nalang dahil mukhang napansin na ni Hannah si Third. Sana umamin na 'rin siya sa nararamdaman niya para kay Hannah. Basta I'm really happy for them.

Pahiga na sana ko ng biglang nagising si Nathan kaya agad akong napapikit nalang ng basta basta. Ewan ko kung bakit pero bigla akong nakaramdam ng pagkahiya sakanya. Hays.

"Good morning Zyra." Bati niya sa'kin. Teka alam niya kaya na nagising ako? Bubuksan ko na sana mga mata ko kaso naramdaman kong inayos niya ang kumot ko. Hindi ko siya masyado makita dahil nakaharap ako sa kanan at nakayakap sa isang unan na hinigaan ko kanina.

"Ang ganda mo talaga Zyra." Bulong niya sa'kin. Agad naman akong nakaramdam ng kakaibang tibok dito sa puso ko. Hindi siya normal na tibok lang bumilis siya. Nagulat nalang ako ng maramdaman kong hinaplos niya ang pisngi ko at nilagay ang ilang hibla ng buhok ko na tumatakip sa mukha ko sa likod ng tainga ko.

Paano ko nalaman? Medyo nakabukas ng onti ang kaliwa kong mata. Medyo mahirap pero kakayanin naman. Ngumiti siya at inayos ang kumot ko. Mas lumapit siya sa'kin at tinitigan niya lang ako.

Hays! Ang awkward naman ng ginagawa ko ngayon. Gusto ko ng dumilat pero nung makita kong may tumulong luha sa pisngi niya doon ako natigilan.

"Zyra kailan mo kaya ako matututunang mahalin?" Nanginginig ang boses niya habang sinasabi 'yon. Biglang may kumirot dito sa dibdib ko. Sa bandang puso ko. Ayoko siyang nakikitang nagkakaganyan ng dahil sa'kin. Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan niya 'yon. Pumikit siya kasabay non ang pagtulo ng luha niya.

"Bakit ba mahal na mahal kita ha, Zyra? Bakit?" Sa mga sinabi niyang 'yun aaminin ko, nasaktan ako. Kasi pakiramdam ko parang pinagsisisihan niya na minahal niya ako. Pero bakit ako nasasaktan? Yun naman ang gusto ko nung una pa lang na umamin siya sa'kin eh, diba? Kasi ayoko na siyang masaktan pa ng dahil sa'kin. Dahil si Sage lang ang mahal ko at mamahalin ko. Pero bakit ngayon parang hindi na ako sumasang ayon doon? Bakit parang ayaw ko na siyang mawala sa'kin?

"Pero alam mo ba kahit sobra na akong nasasaktan ngayon. Hindi na kita kaya pang makita na umiiyak ng dahil sakanya." Dahil doon sa sinabi niya napadilat na ako nang tuluyan.

"Hindi na kita kayang hayaan na mawala pa sa paningin ko dahil alam ko na sobrang ikalulungkot at ikasisira ng buhay ko 'yun." Naramdaman kong humiga siya sa tabi ko at niyakap ako sa likod. Sobrang higpit ng yakap niya 'yung palagi niyang ginagawang yakap sa'kin.

"Ayaw na kitang pakawalan pa Zyra. Dahil kahit hindi ka sa'kin tinuturing na kitang akin. Kasi mahal na mahal kita, Zyra. Sobrang mahal na mahal." Huli niyang sinabi bago, wala na ulit umimik samin. Mukhang ito na, ito na ang tamang panahon para kalimutan ko na siya ng tuluyan. Hindi ko alam kung kaya ko pero gagawin ko lahat makalimutan ko na siya ng tuluyan at mahalin pabalik si Nathan.

Dahil sa nakikita ko ngayon siya ang dapat kong mahalin dahil siya ang taong hindi ako iniwan simula't sa una palang. Mamahalin din kita, Nathan. Bigyan mo lang ako ng sapat na panahon at oras para maiparamdam ko sayo ng tuluyan kung paano mahalin pabalik at kung paano ako magmahal.

Ms. Cold Princess Meets Mr. Gangster Prince Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon