Chapter 49

2.7K 63 2
                                    

Broken

*

Zyra Lianne Alvarrezz

Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko.
Puro puti lang ang nakikita ko kaya ipinikit ko ulit at minulat ng ilang beses bago maging okay ang paningin ko.

Nakita ko si Hannah. Tulog siya sa sofa. Nakasandal siya sa balikat ni Third. Ang cute talaga nilang tignan pareho. Bagay talaga sila.
Uupo sana ako ng maramdaman kong may nakahawak sa kamay ko.

Napangiti nalang ako ng palihim.
Hindi pa 'rin pala siya nauwi simula nung iligtas niya ako. Hinawakan ko ang pisngi niya. Mukhang sobrang pagod siya. Kasi halata ko 'yun sa mga mata niya. Medyo may eye bags na siya at dahil sa'kin 'yun. Hays. Mukha 'rin siyang gutom, siguro kailangan niyang kumain. Tama.

Tumingin ako sa paligid. May tatlong supot ng plastic ng pagkain sa table katabi ng kama ko.
Dahan dahan kong inalis ang kamay ko sa kamay niya pero nagulat nalang ako ng bigla niyang hawakan ulit 'yun ng sobrang higpit.

Umupo siya ng maayos at kinusot kusot ang mga mata niya pero hindi niya pa 'rin binibitawan ang kamay ko.

"G-Good morning Nathan." Medyo nahihiya akong bumati pero syempre, ganon talaga. Hays. Nagulat ako ng bigla siyang lumapit sa'kin ng sobrang lapit at hinalikan niya ako sa noo ko. Tumingin siya sa'kin saglit at bigla nalang niya akong niyakap.

"Okay kana ba?" Ang tanong na 'yun. Madali lang sagutin. Pero bakit hirap na hirap akong sagutin ngayon? Nung naramdaman kong mas lalong humihigpit ang yakap niya sa'kin, bigla nalang akong nanghina. Nag iinit nanaman ang mga mata ko. Yumakap na 'rin ako sakanya.

"Sa totoo lang hindi ko alam Nathan. Hindi ko alam kung masasabi kong okay pa ako." Pumikit ako saglit at pinahidan ang mga luha kong nagbabadyang tumulo. Lumayo na ako sakanya at ganon 'rin siya sa'kin.

"Nagugutom ka ba? Anong gusto mong kainin?" Kinuha niya ang tatlong supot ng plastic na nakita ko kanina sa taas ng table. Puro paborito ko ang laman non kaya nakaramdam tuloy agad ako bigla ng pagkagutom.

Nagulat ako ng bigla niyang pisilin ang ilong ko dahilan para mapatingin ako sakanya.

"Halatang nagutom ka bigla." Sabi niya sa'kin sabay tawa. Natawa nalang 'rin ako. Napatingin ako sa may labi niya. May cut siya. Hinawakan ko 'yun, nakita kong napangiwi siya.

"Anong nangyari dyan?" Kinuha ko yung tissue galing don sa loob ng plastic at pinahidan 'yung dugo na nasa may bandang baba ng labi niya. Nakita ko ang pagiging uneasy niya lalo na ang pag ngiwi niya sa sakit.

"Wala 'yan. Kasi nasuntok ako ni Third kahapon, akala niya kasi ako si Steven, kaya ayun." Ngumiti siya sa'kin ng pilit. Tumango nalang ako. Sinipsip niya nalang ang dugo at nagsimula na ulit siyang ayusin 'yung pagkain.

Napatingin ako sa tissue na may dugo. Bakit ganito? Bakit parang feeling ko may tinatago siyang something sa'kin?

"Wag kang mag alala Zyra, totoo lahat ng sinabi ni Nathan." Napatingin ako bigla kay Third. Gising na pala siya. Tumingin ako kay Bes. Tulog pa rin siya. Pero nakakatuwa talaga silang tignan. Sinandal ng maayos ni Third ang uluhan ni Hannah sa balikat niya. Napangiti nalang ako habang patuloy ko silang pinag-mamasdan.

Ms. Cold Princess Meets Mr. Gangster Prince Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon