Chapter 73

3K 58 9
                                    

His Side (Part VII)

*

King Sage Luxcido

"Please, wag mo akong iiwan, Zyra. Hindi ko kakayaning mawala ka sa'kin parang awa mo na. Gagawin ko ang lahat lahat wag ka lang mawala sa'kin. Please wag kang umalis sa buhay ko. Please stay with me Baby. Please, I love you, I love you so much my baby. Please, stay."

Gustong gusto kong sabihin sakanya 'yan kanina. Gusto kong magmakaawa sakanya para lang wag niya akong tuluyang iwan. Pero wala eh. Iniwan niya na ako. Ni hindi man lang niya ako nilingon nung lumuhod ako sa harapan niya kahit isang tingin man lang, wala. Mahirap para sa'kin na tanggapin ang lahat ng nangyayari samin ngayon pero wala naman akong magagawa.

Nangyari na ang nangyari at kailangan ko nang tanggapin ang lahat nang 'to dahil mismomg katotohanan na ang nagsasabi sa'kin na tuluyan niya na akong sinukuan at iniwan na kailanman ay hinding hindi ko kayang tanggapin.

Pakiramdam ko nga, wala ng saysay ang buhay ko. Oo, ayoko siyang isuko. Ayoko naman talaga at wala akong planong gawin 'yun. Pero sa nangyari kanina, sa mga nakita ko sakanya, kung gaano at paano siya nasasaktan ngayon. Ang hirap tanggapin lalo na ako pa ang may dahilan ang lahat ng mga 'yun.

Masaya ako nung sinabi niya sa'kin na mahal niya pa 'rin ako. Akala ko magiging okay na ulit kaming dalawa dahil parehas pa 'rin kami ng nararamdama para sa isa't isa. Pero kasabay non ang sakit at lungkot na hindi ko inaasahan na pwede pa lang mangyari.

Naiisip ko nga kanina na sana hindi nalang niya inamin sa'kin na mahal niya pa 'rin ako.

Kasi baka sakali

Baka sakaling hanggang ngayon nandito pa 'rin siya sa'kin.

Sa tabi ko.

Sa piling ko.

Sa buhay ko.

Napatingin ako sa singsing namin naramdaman kong may nahulog nanaman na luha sa magkabilang mata ko. Napapikit nalang ako at hinalikan ang singsing kong 'yun. Ang hirap lang kasi talagang tanggapin eh.

Hindi ko kaya at satingin ko kailanman ay hindi ko kakayanin tanggapin. Nandito ako ngayon sa terrace nagpapahangin at nakatingin sa baba. Pinagmamasdan ko ang mga sasakyan at mga taong nagsisitakbukan dahil sa patuloy na lumalakas ang ulan.

Tumingin ako sa langit na kasalukuyang nakikisama sa pinagdadaanan kong sakit at lungkot ngayon. Nagsisimula nanamang bumigat ang pakiramdam at mga mata ko dahil nagsisimula nanaman itong magtubig.

Kailan ba ulit ako magiging masaya? Kailan ba ako babalik ulit sa dating ako? Kailan nga ba ulit? Napangiti nalang ako ng isang mapait na ngiti.

Kailanman hinding hindi kana babalik sa dating ikaw. Dahil binago na niya ang isang gagong Sage na dating ikaw. Kung babalik lang siya ulit sayo doon ka lang magiging masaya ulit.

Bulong sa'kin ng maliit na boses dito sa ulo ko. Tama naman 'yun eh. Hindinh hindi na ako babalik sa dating ako dahil binago na niya ako. Pero doon sa sinabi niyang huli, ang tanong babalik pa ba siya ulit sa'kin?

Ms. Cold Princess Meets Mr. Gangster Prince Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon