Chapter 7

8.4K 176 4
                                    

Daddy

*

Zyra Lianne Alvarrezz

"Zyra? Gising. Zyra?" Bakit parang naririnig ko ang boses ni Bes Hannah ngayon? Kaya dinilat ko ng dahan dahan ang mga mata ko.

"Hannah? What are you doing here?" Napaupo tuloy agad ako. Nakakagulat naman kasi. Akala ko tuloy may multo dito.

"Tinawagan kasi ako ni Nanay Nellyn. Sinabi niya lahat ng nangyari sainiyo ng Daddy mo. Kaya pumunta na agad ako dito para icheck ka. Kanina ka pa tulog eh. Ginamot ko na 'rin lahat ng sugat mo sa kamay. Saan mo ba nakuha 'yang mga sugat mo, ha?"

"Paano nalaman ni Yaya ang Number mo? Wala naman akong naaalalang binigay ko sakanya 'yun ah."

"Hindi na importante 'yun Zyra. Kanina nung pagkapasok ko dito sa kwarto mo naabutan kitang tulog habang umiiyak. Bakit nanaman ba kayo ng nag-away ni Tito?" Nag-aalalang tanong sa'kin ni Hannah. Pero hindi ko mapigilan hindi umiyak eh. Kaya niyakap nalang niya ako. Yumakap din ako sakanya. Kahit sobrang sakit at hapdi ng mga sugat ko dito sa kamay ko ininda ko nalang yung sakit.

Kinuwento ko na lahat lahat nang nangyari kanina kay Hannah. Nasa ganon pa 'rin kaming posisyon. Ugh! Mga luha tumigil na kayo. Please lang.

"Alam mo ba Hannah ang nasa isip ko kanina sana pala ako nalang 'yung nawala nung mga oras na yun 'no? Para hindi na galit sa'kin si Daddy. Baka nga sakaling maging masaya pa siya eh." Sabi ko sakanya habang patuloy pa 'rin ako sa pag iyak.

"Sshhh. Don't say that and don't blame yourself about what happened to Tita. Maybe there's a reason behind why kung bakit kinuha si Tita sainiyo ni Lord. Pero please naman Zyra, wag ka ng umiyak. Kanina ka pa iyak ng iyak dyan eh. Sige ka mauubusan kana ng tubig dyan sa katawan mo. Ugh! Yan naiiyak na 'rin tuloy ako."

"Ano ba 'yan Hannah wag ka nga. Dapat ako lang. Dapat ako lang ang umiiyak wag kana sumali." Paasabi ko non tumawa naman siya. Nakakainis 'to. Pero dahil sa tawa niyang 'yun natawa nalang 'rin ako. Para tuloy kaming baliw dito eh. Pero nakakagaan din ng loob. Kasi palagi naman si Hannah ang takbuhan ko kapag may mga ganito akong problema. Lalo na kung tungkol kay Daddy. Matagal tagal din kaming nagtawanan.

"Okay kana ba, Zyra? Anong gusto mo? Gusto mo bang uminon ng tubig, kumain or what?" Maalaga talaga 'tong si Hannah sa'kin. Kaya mahal ko 'to eh. Parang ate ko na 'rin siya.

"Samahan na kita. Inom nalang tayo ng tubig sa baba. Umiyak ka 'rin kasi eh." Tumango naman siya at ngumiti. Pagbukas namin ng pinto nakita ko si Yaya Nellyn. Nakaupo at sa may sahig at umiiyak. Bakit? Nakikisali din ba siya samin? Kaya nilapitan ko nalang siya. Umupo na 'rin ako at niyakap siya mula sa likod.

"Z-Zyra? Ikaw ba 'yan? S-Sorry. Sorry wala akong nagawa. Pasensya na." Sabi ni Yaya Nellyn sa'kin habang nanginginig ang boses niya. Bakit siya nagsosorry? Wala naman siyang ginawang masama eh.

"What do you mean? Wala ka naman ginagawang masama Yaya Nellyn eh. Ayos lang 'yun. Lasing kasi si Dad kaya niya nasabi ang mga 'yun." Sabi ko sakanya. Pinapakita kong okay lang at naiintindihan ko pero deep inside masakit talaga. Sobrang sakit.

"Hindi 'yun ang ibig kong sabihin. Ang Daddy mo kasi Zyra, I'm so sorry." Patuloy niya na sinasabi 'yun sa'kin. Umiiyak lang siya sa'kin. Kaya kumalas muna ako sa pagkakayap ko sakanya at iniharap siya sa'kin.

Ms. Cold Princess Meets Mr. Gangster Prince Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon