Chapter 55

2.8K 62 3
                                    

Nathan's Confession

*

Zyra Lianne Alvarrezz

"Nagugutom kana ba Zyra?" Tanong sa'kin ni Nathan. Nandito pa 'rin kami sa ospital. Ayoko pa kasing umalis eh. Tanga na kung tanga pero ang totoo hinihintay ko pa 'rin siya. Umaasa ako na baka sakaling pumunta pa siya dito ulit kahit saglit lang. Kung siya nga talaga 'yun o sadyang nanaginip lang ako?

Gustong gusto ko na ulit siya makita. Kasi makita ko lang siya ulit magiging okay na ako.

"Zyra, okay ka lang ba?" Tanong ulit sa'kin ni Nathan. Pero nanatili lang akong tahimik at nakatingin sa bintana. Ayoko munang magsalita. Gusto ko muna namg tahimik. Gusto kong mapag isa.

"Zyra, bibili muna ako ng pagkain natin. Para kung sakaling magutom ka mamaya may makakain ka dahil kailangan mong magpakalakas." Hindi ko siya nilingon. Naramdaman kong lumapit siya sa'kin at hinalikan niya ako sa noo.

"Babalik agad ako." After that, umalis na siya. Dahan dahan akong tumingin sa pintuang sumara. Nakatingin lang ako doon pero pag tapos ng ilang minuto binaling ko na ulit ang tingin ko sa bintana.

Bakit ba nangyayari 'tong mga 'to sa buhay ko? Ano ba talagawang nagawa kong mali? Nawalan na ako nang tatlong taong mahalaga sa buhay ko, pati sila Daddy at Kuya Dylan mukhang tuluyan nang nawala dahil hindi na nila ako binibisita.

Siguro, hindi 'rin nila alam 'tong nangyari sa'kin. Pati si Sage mukhang tuluyan na niya akong iniwan. Hindi ko na napigilang maiyak. Ang sakit sakit lang kasi isipin na parang walang taong kayang mag tagal sa buhay ko. Lahat sila hindi ako kayang makasama ng matagal.

Pero bakit? Ano bang mali kong nagawa? Ano bang mali sa'kin? Hindi ko ba sakanila maipakita at maiparamdam na mahal na mahal ko sila? Na ayaw ko silang mawala sa'kin lalo na sa buhay ko?

Ginagawa ko naman lahat para wag sila mawala sa buhay ko eh. Pero wala basta nalang sila nawawala nang hindi man lang nagpapaalam. Tinakpan ko nalang ang mukha ko ng unan at doon na ako tuluyang umiyak.

*

Top Nathan Rodriguez

Sinadya kong umalis muna at iwan siyang mag isa dahil alam kong yun ang kailangan niya sa ngayon. Dahil ang totoo niyan may pagkain na akong nabili kanina pa. Nandoon lang sa loob ng kotse ko.

Sumilip ako sa maliit na siwang doon sa pinto, wala na akong pakialam kung ano ang iisipin ng mga taong nakakakita sa'kin ngayon. Pero nagulat ako sa nakita ko. Kasi pagkalabas ko sinundan niya pala ako ng tingin at matagal tagal 'rin siyang nakatingin sa pinto bago tumingin na ulit sa bintana.

Papasok na sana ako ng biglang makita ko siyang umiyak ng tuluyan. Pero this time, wala akong narinig na kung anong hikbi niya o ingay sa pag iyak niya. Tahimik lang siyang umiiyak kumuha siya ng isang unan at tinakpan ang mukha niya.

Gusto ko siyang yakapin kasp mukhang mas okay na muna na siya nalang mag isa. She needs to be alone. Naramdaman ko nalang na may luhang tumulo sa kanang pisngi ko. Pero agad ko naman 'yun pinunasan.

Tumayo na ako at pumunta sa elevator. Doon nalang muna ako sa kotse ko tatambay. At least doon kung maiyak man ako walang makakakita sa'kin.

Ms. Cold Princess Meets Mr. Gangster Prince Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon