He's Back
*
Zyra Lianne Alvarrezz
Nakarating na ako sa bahay namin. Nakalock 'yun pero may duplicate key naman ako. Yung duplicate key ng gate namin nasa ilalim lang ng tapakan na basahan. Agad kong kinuha 'yun at binuksan ang gate.
Nandon pa 'rin ang mga sasakyan namin. Malinis pa 'rin ang paligid. Pero may mga takip na ang sasakyan namin at matataas na rin ang mga halaman na nasa garden namin. Pumunta ako sa pinto ng bahay namin at kinuha 'rin ang duplicate key sa ilalim ng tapakan.
Pagkabukas ko non lahat ng gamit namin. May nakabalot na puting tela na parang kumot. May konting sapot ng mga gagamba ang nasa paligid ng mga 'yun. Pero hindi ko nalang masyado pinansin. Umakyat na ako sa kwarto ko. Maayos pa 'rin ang kwarto ko, malinis, ganon pa 'rin ang itsura walang nagbago at wala 'ring puting tela tulad doon sa sala.
Umupo ako sa kama ko at kinuha ang picture frame sa side table ng kama ko. Doon sa picture frame na 'yun, buo kaming pamilya. Si Mommy at Daddy nandoon. Si Kuya Dylan at ako nasa gitna kaming dalawa ni Mommy at Daddy.
Sa likuran naman namin, sila Yaya Nellyn at Butler Timothy. Lahat kami dito, nakangiti.
Masaya.
Hindi ko na napigilan maiyak dahil, naalala ko lahat lahat.
Mommy...
Daddy...
Kuya...
Butler...
Yaya...
"B-Bakit niyo ako iniwang mag isa dito? B-Bakit niyo ba kasi ako sinasaktan ng ganito? Hindi ko na kaya 'yung sakit. Alam niyo ba 'yun? Kailangan na kailangan ko kayong lahat ngayon pero nasaan na ba kasi kayo ngayon, ha? B-Bakit kasi hindi niyo nalang ako sinama kung saan man kayo pumunta? Bakit kailangan iwan niyo pa ako, ha?"
"A-Ayaw niyo 'rin ba sa'kin? Ayaw niyo ba sa ugali ko? Ano?! Bakit hindi kayo sumagot?!" Binato ko sa sahig ang picture frame na 'yun kaya nagkabasag basag 'yun. Napasabunot na 'rin ako sa sarili ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko 'rin alam kung saan ba ako pupunta.
"Ayoko na! Ayoko ng mabuhay! Ayoko na!" Pinagbabato ko lahat ng gamit na nakikita ko. Kahit ang mga unan ko at teddy bear ko.
"Ayoko na! Ayoko na! Ayoko na!" Napaupo ako sa sahig at niyakap ang dalawa kong legs. Iyak nalang ako ng iyak palagi. Nakakapagod at nakakasawa na. Totoo nga talaga ang sinabi sakin ni Kuya Dylan napaka iyakin ko talaga kahit kailan. Naramdaman kong may tao sa likod ko. Akala ko magnanakaw pero hindi pala.
"Don't cry, My Princess." Nanlaki bigla ang mga mata ko. Akala ko si Kuya Dylan na. Kaya napaharap agad ako, pero hindi pala. Pero mas lalo akong naiyak. Agad ko siyang niyakap ng sobrang higpit.
"K-Ken." Nagtuloy tuloy na ako sa pag iyak ko. Naramdaman kong niyakap niya 'rin ako pabalik at hinahaplos niya rin ang buhok ko.
"Wag kana mag alala nandito na ako Princess. Hinding hindi na kita iiwan ulit. Kaya hindi kana mag iisa pa ulit. Hindi na."
BINABASA MO ANG
Ms. Cold Princess Meets Mr. Gangster Prince
Подростковая литература(Completed) What if, one day, a Drop Dead Gorgeous Cold Princess which only want is her freedom to do whatever she wants and to do as she pleases to. Accidentally met this Hot Gorgeous Jerk Gangster Prince which only want is to play around like a...