Chapter 3

10.2K 248 1
                                    


Worst First day in Luxcid Academy

*

Zyra Lianne Alvarrezz

(Tok-Tok-Tok)

Sino ba 'to? Istorbo nanaman eh.

"Princess. Wake-up!" Sigaw niya sa'kin. Aba! Talagang sinisigawan pa ako ha?

"Ya! Stop bothering me! Get lost!" Sigaw ko din sakanya pabalik. Malaman ko lang talaga kung sino siya malalagot siya sa'kin.

"Zyra Lianne Alvarrezz. Open this door or else I'll break this stupid door of yours." Confirmed. It's my one and only Dad and warning. Kapag tinawag na ako ni Daddy sa buong pangalan ko, isa lang ang ibig sabihin niyan. It means galit na siya sa'kin. Oh well, sanay na'ko dyan. Bigla nalang akong napabangon nung nakita kong bumukas ang pinto ng kwarto ko. Magkasalubong ang dalawang kilay niya habang dala na niya pala ang susi ng kwarto ko. Walang pasabi sabing papasok agad eh.

MANNERS DAD.

"Get up young lady. May pasok ka ngayon. Zyra naman, kailan ka ba matututong umakto na isang ganap na babae? You're older now. Get up already!" Wow! As in wow lang talaga. Hindi niya man lang naisip kung pagod ba ako o ano. Nakakainis. Napag-hahalataan talagang wala siyang paki sakin eh.

"Dad, pwede ba kahit ngayon lang tumigil ka kakadakdak mo? Gigising naman talaga ako eh. You don't have to shout at me saying 'wake up young lady' or whatsoever. Well, ganyan ka naman talaga Dad, diba? Puro ka lang utos utos utos. Siguro nga baka nakalimutan mo na na anak mo pa ako eh. How pathetic I am..." Alam kong masamang sumagot-sagot sa mga parents. Pero hindi ko kasi kayang manahimik nalang. Nakakainis na siya eh. Tumingin ako sakanya halatang nahiya siya sa sinabi ko.

Natahimik nalang siya at umiwas ng tingin sa'kin. Kanina kasi ang sama sama ng tingin niya siya sa'kin ngayon wala na. Naging cold nanaman. Emotionless stare. Nagulat nalang ako ng bigla siyang mag-walk out. Pero bigla naman siyang nagsalita habang nakatalikod siya sa'kin.

"Sorry for waking you up, Zyra. I didn't mean to say those things to you. I just can't control my temper. I just want to see my little Princess. That's all." Sabi niya sa'kin at tuluyan na siyang umalis. Ako? Ayan naiwang tulala. Naguguilty lang ako sa pagsasagot ko sakanya kanina. Hay. Miss na talaga kita Daddy. Yung dating Daddy ko na masayahin.

I wish na sana bumalik kana sa dati. Ang dating caring na Daddy ko. Bakit ba kasi nawala pa si Mommy eh. Nakakainis. I missed you so much Mommy. As much as I missed my old Daddy.

Eeeeennnnng! Eeeennnnng!

Ay palakang tumalon. Panira naman 'to ng moment eh. Nasaan na ba yung phone ko. Nag-alarm pala ako. Pero bakit 6:40 na agad agad? Oh no! Kasi naman nagdrama drama pa ako eh. Ayan late na'ko!

*

Shower - Daily Rituals. I don't need to say all those things alam niyo naman na siguro kung anong ginagawa niyo kapag naliligo kayo, diba? So, ganun 'rin ako.

Bihis - Ayos ng Mukha

Wow. Ang ganda ng uniform namin. Kaso hindi ko trip yung palda namin. Ang ikli naman kasi pero hayaan na. Magdodoble nalang ako nang shorts. Para safe.

Finish.

Time Check 6:59 am. Shit. Anobayan. Late na ako. Bakit ba kasi late ako nagising ngayon? Nakakainis!

*

Nandito na kami sa school. Alam niyo 'yung feeling na first day ko pa lang dito late na agad ako? Hays. Hindi na nga ako kumain eh. Hindi rin ako nakapagdala ng pang breakfast ko kasi sa sobrang pagmamadali ko.

Kaso wala 'rin, late na nga ako diba? 7:20 AM lang naman ako nakarating dito sa bagong school ko. Ang nakakainis eh, napaka laki ng school na 'to. Saan ko naman kaya hahanapin ang room ko dito.

Tri-tone

*

From: Daddy

7:25 AM

Princess 1602 New Department ang pangalan ng section mo. Password na 'rin ng locker room mo 20794. Sorry, nalimutan kong sabihin sa'yo kanina. Well anyways, enjoy your day. Good morning.

*

Buti nalang at naalala pa ni Daddy na sabihin sa'kin 'yan mga 'yan.

Well, mind you Dad, I don't freakin' enjoy this day alright?! Shiz!

1602 New Department ang section ko. Saan ba ako magtatanong dito? Wala naman na kasing tao dito. May guard nga pala dito 'no. Bobo ko naman.

"Excuse me, Kuya saan po ba ang section 1602 New Department dito?"

"Good morning po Ma'am. Diretsuhin niyo lang po 'yan daan na 'yan at mag-elevator nalang po kayo. Kasi medyo mataas ang floor nang department niyo eh."

"Okay. Thanks Kuya." Sabi ko sakanya at nagmadali nang umalis. Mabait naman si Kuyang Guard medyo nawala na 'rin ang inis ko. Wala naman kasing magagawa ang inis ko ngayon dahil late na ako and worst sobrang late na.

Habang naglalakad ako papuntang elevator hindi ko napansin na puro classroom pala yung mga nadaanan ko. Grabe nga sila makatingin sa'kin eh. Parang ngayon lang nakakita ng late pumasok. Tsk.

Kaya ang ginawa ko nalang binilisan ko nalang maglakad papunta sa elevator. Pinindot ko na yung elevator. Cool naman dito. Ngayon lang ako nakakita nang school na may elevator. Ganon na ba talaga ang mga school ngayon dito sa Pilipinas? Sosyalin na.

Ang tagal naman ng elevator na 'to. 7:59 AM na pala. How nice. Lumingon-lingon ako sa likod ko. Baka kasi may professor na dumating. Mukhang wala naman siguro.

Pagharap ko dito nagsimulang magbago ang buhay ko. What the hell.

*

Ms. Cold Princess Meets Mr. Gangster Prince Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon