Chapter 51

2.9K 57 2
                                    

Can you be Mine?

*

Top Nathan Rodriguez

"Doc, kamusta na po ang lagay nang paa niya?"Agad kong tanong nang ipasok na si yea ng Nurse sa loob ng room niya. Tumingin sa'kin si Doc at hinawakan ang balikat ko.

"Don't worry too much iho. For now, okay na ang lagay ng paa niya. Nung chineck ko siya kanina ayos na 'rin naman ang lagay niya." Nakahinga na ako nang maluwag. Buti nalang kung ganon.

"Siguro the day after tomorrow pwede na siyang umuwi."

"Thank God! Salamat po Doc." Ngumiti lang siya sa'kin at tumango bago umalis na siya kasama 'yung Nurse na kakalabas lang sa loob ng room ni Zyra. Pumasok na ako sa loob ng room niya pero napatigil ako nang makita ko siyang nakatingin lang sa may bintana niya malapit sa higaan niya at tahimik na umiiyak. Dahan dahan kong sinara ang pinto at tumabi sakanya.

"Nathan bakit nagkaganon siya bigla?" Napatingin ako sakanya. Pero hindi siya sa'kin nakatingin. Nakatingin pa 'rin siya sa bintana na para siyang nawawala.

"B-Bakit pinaalis niya ako?" Hindi ako makasagot sa tanong niyang 'yun. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sakanya at isasagot ko sa mga tanong niya.

"B-Bakit parang wala na siyang pakialam sa'kin?" Hinawakan ko ang kamay niya. Onti-onti siyang tumingin sa'kin at bigla nalang yumakap sa'kin. Nung yumakap na siya saMmim ramdam ko kung gaano kabigat ang nararamdaman niya. Lalong lumakas ang iyak niya. Niyakap ko na 'rin siya at hinaplos haplos ang buhok niya.

"Nathan bakit? B-Bakit siya naging ganon bigla sa'kin? A-Ano bang nagawa ko?"

"K-Kitang kita ko sa mga mata niya na parang wala na siyang pakialam sa'kin. A-Ang sakit lang Nathan kasi wala akong alam sa nangyayari sakanya. Samin."

"Zyra..."

"Ano bang ginawa ko para maging ganon siya sa'kin, ha? Sabihin mo sa'kin. Ano?!" Pinagsusuntok niya ang likod ko habang palakas ng palakas ang iyak niya. Natawa nalang ako nang mapait. Pero hinayaan ko lang siya sa gusto niyang gawin. Kung 'yun ang magpapagaan ng loob niya kahit onti okay lang sa'kin. Basta alam kong mababawasan ang sakit na nararamdaman niya sobrang okay na sa'kin non.

"B-Bakit ganon Nathan?! Bakit?! Sagutin mo'ko bakit?!" Tumigil na siya sa kakasuntok sa likod ko pero sobrang lumakas na ang iyak niya. Sa hindi ko mapaliwanag na dahilan may luhang nahulog sa kanang pisngi ko at nagtuloy tuloy na silang magsisunod.

Niyakap ko siya ng sobrang higpit. 'Yung tipong mafifeel niyang safe na safe siya pag ako ang kasama niya. Yung tipong makukuha ko lahat ng sakit na nararamdaman niya.

Kung kaya ko lang kunin lahat nang 'yun ginawa ko na. Dahil mas gugustuhin ko pang ako nalang ang masaktan kesa siya. Dahil mas doble ang sakit sa'kin non pabalik pag nakikita ko siyang nagkakaganyan. Lalo na kung si Sage ang dahilan.

Kung nanghihina siya mas nanghihina ako. Kung nasasaktan siya mas nasasaktan ako.

"Sshh. Tahan na Zyra. Tahan na." Hindi ko pinahalata sakanya na naiyak na din ako tulad niya.

"N-Nathan ang hirap kasi eh. Ang hirap mangapa. H-Hindi ko alam kung saan ako nagkamali. H-Hindi niya man lang ako binigyan ng explanation o kahit ano. A-Ang hirap manghula nang pupwedeng maging dahilan." Nanginginig ang boses niya habang nagsasalita. Magsasalita na sana ako pero ang mga sinabi niyang sunod ang nagpawasak sa puso ko.

Ms. Cold Princess Meets Mr. Gangster Prince Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon