Trap (Part II)
*
Hannah Fin Silva
"Okay, that's all for today class. You're all dismissed." Sabi ng last subject prof namin. Agad naman akong nag ayos ng mga gamit ko at lumabas agad ng room namin. Kamusta na kaya si Bes? Okay na kaya siya? Dapat kasi hindi nalang ako nakinig sakanya eh. Dapat binantayan ko nalang siya doon hays.
Natigilan ako sa pag iisip ko ng marinig ko ang boses nila Steven at Third sa may basketball court. Sumilip ako sa may bintana. Nakita kong natigilan si Third nung narinig niya ang pangalan ko. Bakit naman kaya?
Tumingin siya kay Steven. Maya maya bigla nalang niyang binato ng bola sa tiyan si Steven. The hell?! Anong problema niya? Mukhang napikon ata si Steven dahil doon. Hindi ko na napigilan mag alala, bigla nalang akong pumasok sa loob.
"Third, sumagot ka kapag kinakausap kita." Seryosong sabi ni Steven kay Third. Mukhang napikon ata talaga si Steven sa ginawa ni Third. Gusto kong lapitan si Steven kaso, hindi ko mapigilan ang inis ko. Napatingin ako kay Third palabas na sana siya ng court pero nagsalita na agad ako.
"Bakit kailangan mong batuhin ng bola si Steven? Ano ba talagang problema mo, ha?" Sigaw ko sakanya. Dahan dahan siyang tumingin sa'kin. Hindi ko maintindihan kung bakit parang nakikita ko sa mga mata niya na nasasaktan siya. Alam kong mukhang galit ako sakanya pero ang totoo hindi.
May part sa'kin na nag aalala sakanya at may part naman na inis. Halo halo. Nakita kong bigla siyang natawa. Umiling siya at bigla nalang akong tinalikuran. Hindi ko maintindihan kung bakit palagi nalang niya yan ginagawa. Ang talikuran ako palagi.
"Ano? Tatalikuran mo nanaman ba ako tulad ng palagi mong ginagawa sa'kin noon?" Napatigil siya sa paglalakad niya at dahan dahan siyang tumingin sa'kin.
"Ano? Bakit hindi ka makasagot? Kasi totoo, diba?!" Napasigaw na ako. Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko. Napansin kong napaclose fist siya at yumuko. Bakit? Kasi ngayon niya lang naisip yun? Feeling guilty, ha?
"Hannah, tama na. Naglolokohan lang naman kaming dalawa niyan eh." Pag aawat sa'kin ni Steven. Akala ko magsasalita na siya kaso hindi parin pala. Tinalikuran niya na ako at dahan dahang umalis. Akala ba niya papaalisin ko siya? Hindi. Mabilis akong pumunta sa tabi niya na kinagulat niya.
"Ano? Bakit hindi ka makasalita? Guilty kana ba masyado?" Biglang hinawakan ni Steven ang kamay ko.
"Hannah, tama na sabi 'yan eh." Tumingin ako kay Steven. Sa mga tingin niya sa'kin parang may gusto siyang iparating. Ano 'yun? Pero agad nawala ang pag ka-curious ko dahil bigla nalang sinuntok ni Third si Steven sa mukha. Natumba si Steven dahil doon. Agad akong pumunta sakanya at hindi ko napigilang hindi siya masampal nang malakas.
Pumutok ang labi ni Steven dahil sa suntok niyang 'yun kaya hindi ko na napigilan ang sarili kong magalit.
"Napaka sama mo talagang tao! Wala kang kasing sama!" Hindi ko napigilan maiyak. Hindi ako naiyak dahil sa sinuntok niya si Steven. Kundi dahil ramdam ko na ayaw niya sakin. Halatang ayaw niya na akong makita. Ang sakit lang. Napatingin siya sa'kin, ayan. Alam kong magsasaya nanaman siya dahil napaiyak nanaman niya ako. Nice!
Hindi ko maintindihan kung bakit nakikita ko sa mga mata niya nag aalala siya sa'kin. Ugh! Pinunasan ko na agad ang mga luha ko at tinuon ang atensyon ko kay Steven.
![](https://img.wattpad.com/cover/9103079-288-k992282.jpg)
BINABASA MO ANG
Ms. Cold Princess Meets Mr. Gangster Prince
Teen Fiction(Completed) What if, one day, a Drop Dead Gorgeous Cold Princess which only want is her freedom to do whatever she wants and to do as she pleases to. Accidentally met this Hot Gorgeous Jerk Gangster Prince which only want is to play around like a...