Chapter 60

2.9K 52 2
                                    

Threat

*

Zyra Lianne Alvarrezz

Hindi ko alam kung nasaan ako ngayon pero ayoko nang umalis pa dito. Napaka peaceful at tahimik kasi dito. Para bang bigla nalang nawala lahat nang mga sakit na nararamdaman ko. Lalo na 'yung mga problema ko hindi ko na sila naiisip at nararamdaman pa.

Nandito ako ngayon sa ilalim ng puno. Makulimlim dito ngayon. Puro bulaklak at butterflies din ang mga nasa paligid ko. May hangin na sobrang nakakapag pagaan lalo ng pakiramdam ko.

Humiga ako at pumikit. I want to feel the air and smell the sweet scent of roses around me. This is exactly what I need right now.

"Okay kana ba?"Agad akong napaupo at tinignan kung sino yung nagsalita. Nang masilayan ko kung sino yun agad nalang may nahulog na luha sa kanang pisngi ko.

"M-Mommy." Niyakap ko agad siya ng sobrang higpit.

"Sshh, don't cry, My Princess. Sige ka, maiiyak din si Mommy niyan." Niyakap niya rin ako ng sobrang higpit habang hinahawakan ang likod ko.

"Hindi ko kasi kayang pigilan, Mommy eh. Basta basta nalang sila nag uunahan mahulog sa mata ko." Mautal-utal kong sabi sakanya. Agad naman natawa si Mommy sa sinabi kong yon.

"Baby pa 'rin talaga ang Prinsesa ko, iyakin ka pa 'rin eh." Natatawa niyang sabi sa'kin. Sinubukan kong alalahanin kaso kasi onti lang ang naaalala ko. Medyo nasakit kasi ulo ko kapag sinusubukan kong alalahanin ang mga dating bagay na mga nangyari sa buhay ko.

"Princess, wag ka na umiyak, ha? Nandito na si Mommy, hindi na kita iiwan." Agad naman akong natawa. Yung tono kasi ng boses niya parang bine-baby niya ako.

"Opo, Mommy. Hindi na po." Sagot ko sakanya pabalik. Pinunasan ko na ang mga luha sa mukha ko at inayos ang sarili ko. Humiwalay na ako sakanya at ganon 'rin siya. Nakita ko siyang ngumiti sa'kin kaya ngumiti 'rin ako sakanya.

"Ang laki na pala ng pinagbago ng mukha mo, Princess. Ang ganda ganda mo na lalo." Nakangiti niyang sabi sa'kin. Natawa nalang ako. Hinawakan niya ang kamay ko kaya napatingin ako doon.

"Princess, may gusto akong itanong sayo." Biglang sumeryoso ang itsura niya at humigpit ang hawak niya sa kamay ko. Napatingin tuloy ako doon at hindi ko itatanggi bigla akong nakaramdam ng kaba.

"Sige lang, Mommy." Sabi ko sakanya. Tumingin na ako sakanya. Huminga siya ng malalim at tumingin na rin siya sa'kin.

"Paano kung kunyari malaman mo na hindi pala ako ang tunay mong Mommy? Maniniwala ka ba o hindi?" Biglang tumibok ng sobrang bilis ang puso ko sa tanong niyang
'yon. Parang may gusto siyang paratingin sa'kin. Pakiramdam ko, naiiyak nanaman ako.

"W-What do you mean, Mommy? Y-You mean to say hindi ikaw ang totoo kong Mommy?" Nauutal kong tanong sakanya. Feeling ko maiiyak na nga ako anytime eh. Pero bago pa ako maiyak ng tuluyan niyakap niya ako bigla.

"Tinatanong ko lang naman, Princess. Wag na malungkot dyan." Malambing niyang sabi sa'kin. Pero hindi ko na kasi napigilan ang mga luha ko na bumagsak.

"Princess, close your eyes." Hindi na ako nagtanong pa basta sinunod ko nalang siya. Pero pagsara ko ng aking mga mata nagulat ako ng makita ko ang sarili ko nung bata pa ako. Agad naman nanlabo 'yun. Bubuksan ko na sana ang mga mata ko kaso may nakita akong dalawang tao.

Ms. Cold Princess Meets Mr. Gangster Prince Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon